MALAYA KA NA

112 2 0
                                    

-->click the video para ramdam mo yung mga salita sa iyong binabasa <--

------------>

------->

Unang nag ka kilala sa social media,
Wasak ang puso nung ako'y makilala.
Napapasaya at kinikilig sa bawat mensahe mo,
Hanggang isang umaga ay hinahanap hanap na ang presensya mo.

Napakasaya ko nung maging tayo,
Ngunit sa paglipas ng mga araw ay nag iba ang ipinararamdam mo.
Malamig. Malamig na ang pakikitungo mo sa akin,
At di ko mawari kung anu ba ang nangyayari sa atin.

Nag ka ayos muli tayo sa ka dahilanang mahal kita,
Subalit di pa rin nawawala ang tampuhan at awayan, pakiramdam ko ako lang ang nagmamahal para sa ating dalawa.
LDR eh at kahit minsan ay di pa nagkikita.

Pag lipas ng mga araw ay balik tayo sa pagiging masaya,
Mga plano na gagawin pag ako'y nka uwi at tayo ay nag kita ay buo na.
Masaya na sana kaso may darating talagang problemang na di mo inaasahan.
Nung pag ka uwi ko at nakita na kita ay nasabi ko sa sarili kong "ngayon hindi na lang tayo sa internet kundi personal ko na din siyang kasintahan".

Dumaan ang mga araw na tayo ay masaya, mga araw na di ko gustong matapos at sayo'y malayo pa.
Ngunit lahat ng sayang naramdaman ko at mga memoryang na ipon ko ay parang bulang pumotok at napalitan na lang ng tuldok.

Mahal kita. Mahal na mahal kita.
Ako'y lalayo at asahan mong hindi na gagambalain pa.
At sana'y maging masaya ka,
Sa piling ng 'yong bagong sinta.

Pinapalaya na kita. Papalayain na kita upang di ka na mahirapang sa aki'y sabihin na wala ng pag-ibig na nadarama.
Mahirap, masakit, sobrang sakit.
Ngunit wala na akong magagawa pa.
Siya na ngayon sayo'y nag papasaya.

Malaya ka na.
Tulad ng sabi sa kanta.
At sa huling pagkakataon masabi ko man lang sayo ang nararamdaman ko.
Mahal na mahal kita at mag iingat ka.

Malaya ka na.

TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon