"Dude, ayan na si Mich oh!" Sabi ni Ken habang tinitingnan kung saan pupunta si Mich.
"Eh ano naman?" I answered back with my eyes on my phone pretending na walang pakialam.
"Sus... kunwari ka pa. Eh di ba kaya tayo dito tumatambay tuwing umaga para makita mo yan?" Lagi kong hinihila si Ken dito sa may quad kasi dito dumadaan si Mich every morning.
"Ewan ko sa'yo." Sagot ko. Oo, crush ko si Mich. Matagal na. Siguro simula pa nung freshmen pa lang kami. Ang ganda kasi eh, masungit nga lang.
"Kausapin mo na kasi." Sabi ni Ken na makulit.
"Hindi ako type nyan."
"Type agad?! Sabi ko kausapin mo hindi pormahan."
"Pareho na rin yun. Parang yun din naman ang maiisip nun."
"Nega mo naman. Alangan namang patingin-tingin ka lang."
"Eh hindi niya naman ako kakausapin."
"Bakit naman?"
"Kasi nga hindi ako type nun."
"Weh? Sinong may sabi?" Napatingin ako kay Ken before speaking.
"Uhm... wala... kutob ko lang." I said.
"Kutob kutob... utot mo." Tumayo na si Ken bago nagsalita. "Tara na, kanina pang nakadaan yung crush mo. Kain muna tayo, libre mo."
"Tamo 'to, palibre ka na naman?"
"Hoy Zac nakakagutom mag-abang sa Mich mo ha." Napakamot na lang ako sabay tango.
"Oo na sige na. Sampung pisong fishball lang ah." Sabi ko.
"Sampung pisong fishball at sampung pisong kikiam tsaka samahan mo na rin ng Coke." Akbay ni Ken.
"Coke?! Gulaman ka lang boy!"
"Wag naman! Alam mo namang nagka-amoebiasis na ko dati eh. Sosyal kasi ako. Pang softdrinks at bottled water lang ang sikmura ko." Depensa ni Ken.
"Ulol... sosyal pero walang pera? Ibang klase... isang slow clap nga diyan!"
"Excuse me, credit card lang ang dala ko. Tanungin mo sina manong kung tumatanggap ng credit card." Nagtawanan kaming dalawa bago dumiretso sa mga naghilerang magtitinda ng street food sa labas.
Habang lumalamon si Ken ng mga tinuhog na street food, nagflash back naman sa isip ko si Mich.
Saan kaya siya pumupunta? Siguro nasa cafeteria with her boyfriend? Di ko alam kung may boyfriend talaga siya pero imposible namang wala kasi nga maganda siya. Medyo mayaman din yun... hindi ko ka-level. Payaman pa lang kasi ako. Hahaha. Peace.
"Dude, penge pang sampu. Nagpapa-cute kasi yung kwek-kwek." Kulbit ni Ken with his puppy eyes. Tiningnan ko yung lalagyan ng kwek-kwek sabay tingin ulit kay Ken.
"Tama na naman. Kahugis mo na yung kwek-kwek oh." I joked pero half meant yun. Medyo bilog na kasi si Ken eh.
"Damot ah!"
"50 pesos na nga binigay ko sa'yo madamot pa rin?!" Pabiro kong sigaw.
"Sorna..." sabi ni Ken. "Last na to... for today... bukas ulit." Hayop talaga 'to pero inabutan ko pa rin. Hay.
"Salamat dude! Labyu!" Sabay takbo pabalik kay mamang kwek-kwek.
Kahit matakaw, bilog at umuubos ng kalahati ng allowance ko araw-araw yang si Ken, ayos lang. The best pa rin pagdating sa resbak at pagbibigay ng advice sa ligawan moves.
Narinig ko na lang nag-burp si Ken sa tabi ko.
"Solve na ba?"
"Solve pero di ko masyadong type yung sawsawan ni manong. Mas masarap yung nandun sa kabilang gate." Sabi ni Bilog na mukhang medyo disappointed.
"Ano? Hindi mo pa nagustuhan eh nakita kitang nilalaklak mo yung sauce sa cup mo!"
"Hahaha! Kaya bukas doon tayo sa kabila ha?" Hay ang takaw. Kahit kailan talaga.
Niyaya ko nang bumalik sa school si Ken. May 10 am class pa kasi kami. Dumating kami sa classroom at ang una kong hinanap ay si Mich. Usually sa may gitna siya umuupo kaya sa likuran naman ako pumupwesto para kita ko siya. Creepy ba? Sorry.
Malapit nang mag-time pero wala pa rin siya. Nakatitig lang ako sa pinto, inaabangan ko siyang pumasok. After a few minutes, pumasok na siya ng room at in a flash napangiti ako. Yes! Nandito siya!
______________________________________
Hi, I'm AJ. I'm new here but I've been writing kryber fanfics on asianfanfics.comFirst time ko rin magsulat ng tagalog and non-fanfic story so sana magawa ko to ng maayos. I hope you'll enjoy this one 😊
Please leave a comment about this chapter. Thank you~
BINABASA MO ANG
Habulan, at Ako Palagi ang Taya
RomanceAng love, parang habulan lang yan. Tatayain mo yung mahal mo, pero posibleng hindi ikaw ang habulin niya.