Chapter 13- sports fest

437 10 0
                                    

Chapter 13 

Nautusan na naman ako ni mama na mag-grocery. Okay na rin kasi mahilig talaga ako bumili ng kung ano-ano pag nasa grocery. Sandamakmak na curls ang kinukuha ko dahil dun ako masaya pag napapadpad ako sa lugar na ‘to.

Pagliko ko sa lane ng mga curls may nahagip ang mata ko.

Si wence ba un? Anak ng pusang gala oh, sino na naman yung kasama niya? Kadiri talaga siya kahit kelan. Teka at bakit ako nabbwisit? Sadyang nakakabwisit naman ang taong un. Hay ewan, panira ng mood ang mukha nila.

Lumiko ako sa ibang lane para di ko sila makasalubong. Nagpakalayo-layo ako para di magtagpo ang landas namin, kaya inuna ko ung mga delata na pinabibili ni mama.

Aabutin ko na sana ang corned beef ng biglang may nagsalita..

Wence: andito ka pala. I saw you kanina, kaso umalis ka.

Me: anak ng tinapa! Ano ba? Nanggugulat ka naman eh.

Wence: bakit ka umalis kanina?

Me: sorry di kita nakita.

Wence: hmmm hindi? Nakatayo ka nga lang dun at nakatingin samin.

At pano niya nalaman na nakatingin ako sa kanila???

Me: hindi nga kita nakita. Bakit ba sinundan mo ako? bumalik ka na nga dun sa kasama mo baka hinahanap ka na.

Wence: wala na, pinauwi ko na.

Ha?

Me: bakit mo pinauwi? Di mo man lang hinatid.

Wence: kaya niya na umuwi mag-isa.

Me: eh bakit nga andito ka? May kelangan ka ba sakin?

Wence: wala naman. Gusto lang kita samahan.

Mambbwisit ka lang naman. –bulong ko sa sarili ko.

Wence: may sinasabi ka?

Me: ah wala.

Bumalik ako sa lane ng mga curls at nagsimulang maglagay sa basket.

Wence: ang dami naman ata niyan? At peewee, cheeze it at moby? Pambata lang yan ah.

Sinasabi ko na nga ba, mambibwisit lang.

Me: eh sa gusto ko eh. Wag ka magreklamo dahil di naman ikaw ang kakain.

Wence: ayan nagsusungit ka na naman.

Me: eh sa nambubulabog ka. Umuwi ka na nga.

Wence: hatid na kita.

Me: kaya ko rin umuwi mag-isa.

Wence: wag ng makulit, ihahatid kita.

Me: ikaw nga ang nangungulit eh.  (-__-)

Wence: why do I feel like you are avoiding me?

Eh kasi baka mainlove ako sayo.- sabi ng utak ko.

Huwat? Erase erase erase. San galing un?

Me: di kita iniiwasan. Ayoko lang masira ang maganda kong araw.

Wence: ouch naman.

Gusto ko sana siyang tanungin kung sino yung babae na kasama niya noong isang araw. Kaso nahihiya ako baka isipin niya na echosera ako. maganda talaga yung babae parang angel. Sino kaya yun?

-FLASHBACK-

Naisipan ko pumunta sa park dahil dun nagpapractice ng sayaw yung mga kaibigan ko nung highschool. Member ako ng dance troupe dati at pinipilit nila ako na sumama ulit sa grupo ngayong college kaso tumanggi ako dahil acads talaga ang focus ko ngayon.

The Player and the Scholar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon