Chapter 23
Jaztine’s POV
Me: papa?! Waaaaahhh papa!
Nakalimutan ko na uuwi si papa. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Di ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan o di kaya malulungkot. Niyakap ko si papa mg sobrang higpit at di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Papa: oh hija bakit umiiyak ka? May nangyari ba?
Me: wala po papa, masaya lang ako at andito kayo ngayon. Tears of joy lang po.
Apple: asus si ate nagdadrama, if I know pasalubong lang ang hinihintay mo hahaha.
Papa: oh tama na yan baka mag-asaran na naman kayo. Mabuti pa kumain na tayo at para mabuksan niyo na ang pasalubong.
Me: may chocolates ba pa? Kahit yun lang ang akin okay na ako.-sabay yakap kay papa.
Apple: sabi na eh yun lang pakay mo.hahaha pasali nga sa yakap.
Mama: oi oi bakit di niyo ako sinasali jan? Payakap din ako.
At yun na nga nag group hug na kame hahaha ang saya lang dahil buo ulit ang panilya ko. Pero bakit ganun? Kahit anong pilit ko maging 100% happy pero nalulungkot pa rin ako.
Kinalimutan ko muna saglit ang sakit na naramdaman ko habang kumakain kami at nagbukas ng pasalubong. Hindi nila dapat mapansin na malungkot ako, dahil panigurado magtatanong at magtatanong sila sakin. Nasa sala lang kami habang nagkukulitan. Si papa ayun halos hindi na namin tinigilan sa kakayakap. Si mama naman nagtatampo tampuhan kasi di na daw namin siya napapansin. Ang kulit noh? kaya naman sinusulit namin ang mga araw na makakasama namin si papa.
Nang gumabi na, naisipan na namin magpahinga kahit labag sa kalooban namin. Eh si apple ayun humirit na tatabi daw kina mama at papa sa pagtulog pero bago pa siya makapsok eh hinila ko na siya at tinulak papunta sa kwarto niya.
Apple: eh ate naman eh!-sabay ngumuso.
Me: wag ka ngang epal. Bigyan mo naman ng moment together sina mama at papa.
Apple: sige na nga! Good night ate!
Me: good night.
Kanina pa ako paikot ikot sa kama pero di pa rin ako makatulog.
ANO BA?!

BINABASA MO ANG
The Player and the Scholar (COMPLETED)
TienerfictiePano nga ba nila babaguhin ang isa’t isa? Eh ang tanong muna magugustuhan kaya nila ang isa’t isa? Malabong mangyarin ah. Una, ayaw ni Jaztine kay wence kasi daw mayabang at mahilig magpa-iyak ng babae. Pangalawa, masama ang ugali at mahhilig mambul...