Chapter 22
Jaztine’s POV
Masaya akong lumabas ng bahay habang dala-dala ko yung cake na gawa ko. Sana magustuhan niya to. Excited akong lumabas ng gate ng makita ko ang lalaking nakasandal sa kotse.
Me: Justine?
Teka anong ginagawa niya dito?
Justine: hi jaztine!
Lumapit ako sa kanya pero laking gulat ko ng bigla niyang hinapit ang bewang ko at siniil ako ng halik. Nabitawan ko ang cake sa sobrang pagkabigla. Nagpumiglas ako at pilit siyang tinutulak pero ang higpit ng pagkakahawak niya sakin.
Nang tumigil siya sa paghalik, bigla ko siyang tinulak ng malakas at sinampal.
Me: sino ka ba at bakit mo ginawa yun?! Ang kapal ng mukha mo leche ka!
Justine: sorry nabigla lang ako.
Me: NABIGLA?! Ni hindi nga kita kilala tapos sasabihin mo sakin na nabigla ka? Umalis ka na at wag na wag ka ng magpapakita sakin!
Di ko na narinig ang sinabi niya at namalayan ko na lang na nakaalis na siya. napag-isipan ko na bukas na lang ibibigay ang cake sa kanya.
Wence POV
Wala naman kaming usapan ni jazmine na magkikita kami ngayon pero dahil sa excited na akong makita siya, naisipan ko na supresahin siya. Sana magustuhan niya ang necklace na ibibigay ko. Special to dahil pinagawa ko pa to para lang sa kanya.
Malapit na ako sa bahay nila ng mapansin ko na may ibang kotse na nakapark sa labas ng bahay nila at may isang lalaking bumaba at sumandal sa kotse. Sino kaya yun? Tanong ko sa isip ko. Kaya naisipan ko na ipark ang kotse sa kabilang side. Bababa na sana ako ng makita ko si jazmine na lumabas ng gate. At nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita kong naghahalikan silang dalawa.
Shit. Matagal na ba niya akong niloloko? Kelan pa? Bakit niya nagawa sakin to? Sa sobrang sakit di ko napansin na umiiyak na pala ako at muling pinatakbo ang kotse ko. Minahal ko siya pero bakit ganito? pano niya nagawa sakin to. Ito ba ang karma ko sa pagiging babaero ko? Pero nagbago na ako diba? Minahal ko siya ng totoo. F*ck! Dapat pala di na ako nagmahal.
BINABASA MO ANG
The Player and the Scholar (COMPLETED)
Teen FictionPano nga ba nila babaguhin ang isa’t isa? Eh ang tanong muna magugustuhan kaya nila ang isa’t isa? Malabong mangyarin ah. Una, ayaw ni Jaztine kay wence kasi daw mayabang at mahilig magpa-iyak ng babae. Pangalawa, masama ang ugali at mahhilig mambul...
