chapter 3- the second encounter

714 16 1
                                    

Chapter 3

Jaztine’s POV

Papunta ako ng mall dahil may bibilhin akong book. Mahilig rin kasi ako magbasa kaya nag-iipon ako para makabili ng libro. Napadaan ako sa isang dress shop at napatitig ako sa mannequin. Ang ganda ng damit! Kaso panigurado mahal.hay palakad na ako papuntang national bookstore ng napatid ako. Ay mali, may pumatid sakin kaya ayun nadapa ako.

Nagulat ako sa lalaking tumatawa. Langya tinawanan pa ako imbes tulungan.

Wence: hahahhahaha nakakatuwa ka alam mo yun?

Huwat?! Bwisit na unggoy na to pinatid ako. Nakakahiya sa mga tao.

Me: Punyeta ka! Ano bang ginawa ko sayo at pinatid mo ako? (sabi ko habang tumatayo)

Wence: wow may amnesia ka? Baka nakalimutan mo ang nangyari sa canteen?

Me: para un lang? Di ka na man namatay nung nabuhos sayo ang inumin diba? Grabe ka mr. Valdez! I didn’t know you are so gay. Yun oh! Ang tinitilian ng mga babae ay kauri lang din nila. Tsk

Wence: ganun ba? Gusto mo halikan kita? (at dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya)

Noooooo! Hahalikan na naman ba niya ako? Napapikit ako sa kung ano man ang gawin niya.

Wence: AHAHAHAHA akala ko ba malamya ako humalik? Bakit hinihintay mong halikan kita?hahaha

Bwisit!

Me:  kadiri ka boi. Leche ka! (sabay hampas sa balikat niya)

At umalis ako agad sa sobrang kahihiyan. Di na ako pumunta sa NBS dahil nawalan na ako ng gana. Ganun pala gusto niya ah, sige pagbibigyan ko siya.

Thursday morning...

Napuyat ako kagabi pero maaga pa rin ako nagising. 4:30am pa lang gising na ako. Geez im so excited! Ano nga ba ulit ginawa ko? Hehe secret muna.

Nagtaka naman si mama kung bakit 5:30 pa lang eh papasok na ako.

Mama: oh nak, an aga mo naman ata? Milagro to nak. Ano magsimba tayo mamaya?

Me: ma! May gagawin lang ako sa school. deadline na kasi ngayon eh. Wala akong maayos na tulog dahil sa requirements.

Mama: hmmm eh ano ba yang ginawa mo?

Me: ha? Ah eh di mo rin maintindihan ma, Psychology stuff chuchu hehe

Mama: oh sige kain ka na lang muna.

Me: hindi na ma, I need to go. Bye! (sabay kiss sa cheek)

5:45am sakto dumating ako sa school. Sa hindi nakakaalam, malapit lang bahay naming sa school kaya wag magtaka guys :D

Sinimulan ko ng idikit ang mga papel na pinaprint ko kagabi. Una, dun sa may gate. Tapos sa mga pader na madaanan ng karamihan. Kinalat ko sa buong campus at pinagdidikit ko ang mga papel. Aba syempre, nagdikit din ako sa may locker room at sa  pintuan ng classroom at white board nila. :D

Tinapos ko na ang ginagawa dahil maya-maya lang darating na ang mga studyante. Pumunta ako sa room naming at dun nagbasa ng Just Like Heaven. Ang ganda ng story promise!

At dumating na nga ang mga tao. Nang biglang...

Aby: Jaz! Nakita mo un?!

Me: huh? Ang alin?

Aby: ikaw nauna dumating di mo nakita?

Me: ano nga kasi un? Wala akong nakita dahil tutok ako sa pagbabasa nito, exciting na kasi eh. (sabay taas sa libro)

The Player and the Scholar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon