Alynna’s POV
1 year had passed since the accident. Nahuli na rin si Elaine. At ngayon ang araw ng kasal namin ni wence.
Ganito pala ang feeling ng ikakasal, yung naeexcite ka na may halong kaba na ewan. Hindi pa man din ako naglalakad papuntang altar pero naiiyak na ako. Ni minsan di ko naisip na ikakasal ako ng maaga. Pero wala na akong pakialam as long as ikakasal ako sa lalaking mahal ko.
So I guess this is it? After all we’ve been through, heto kami at haharap sa diyos na magkasama. I smiled at the thought.
Wence POV
Bakit ang tagal niya?!
Vince: pare relax lang.
Me: bakit ang tagal? Kanina pa tayo nandito. Di kaya nagbago na ang is- -
Vince: ano ka ba? chill hahaha
Me: wag ka ngang tumawa. Darating ang araw ikaw naman ang kakabahan, tingnan ko lang kung di ka maiihi sa kakahintay sa bride mo.
“dumating na ang bride! Please go to your places at magsisimula na.”-sigaw ng wedding organizer namin.
Nagsimula nang maglakad hanggang sa nakarating ako sa pwesto ko.
Vince: pwede ka ng huminga, dahil anjan na siya.- bulong sakin ni vince.
Natigil kami ng bumukas na ang pinto at nagsimulang maglakad si alynna.
WOW. Kulang ang salitang maganda to describe her. Naiiyak na ako ng makitang naglalakad na siya papunta sakin. So gay.
Alynna’s POV
Napaiyak ako lalo ng dumating ako sa tapat ni wence and saw him cry.
Dad: son, take care of my princess. Don’t hurt her. Ibalik mo na lang siya sakin kung gagawin mo man yun.
Wence: don’t worry dad. Di ko na siya ibabalik sa inyo.
Dad: I love you princess. I just cant believe na saglit ka lang ulit namin nakasama and yet kukunin ka na niya sakin.
Buti na lang maganda pa rin ako kahit na umiiyak. Chos.
Me: I love you daddy. Don’t worry bibigyan ka namin ng maraming apo.
Natawa namin kami pareho.
Habang nakikinig kami sa pari, laging hinahalikan ni wence ang kamay ko. Nakakahiya tuloy kay father baka isipin niya na hindi kami nakikinig.
A moment later we exchanged our vows.
me: “wence, parang kailan lang nabangga kita sa may canteen at nabuhos sayo ang inumin. Di ko makakalimutan ang araw na yun na umusok ang ilong mo at sinigaw-sigawan ako.” nagtawanan naman ang mga bisita. “I know I am not your type but still nahulog ka pa rin sa kamandag ko. Ang ganda ko talaga grabe.” Bigla naman sumigaw si kuya ethan “wooaah ang kapal, kapatid ko yan!” at nagtawanan ulit ang mga bisita. “pero seryoso na, mahal na mahal kita. Sa dinami ng pinagdaanan natin, sa lahat ng sakit na naramdaman ko ng dahil sayo hindi ako nagsisisi dahil it’s all worth it. I love you.”
Wence: “Thank you dahil binuhusan mo ako nung araw na yun. I will forever be thankful to that day because I met you. Nakilala kita bilang si jaztine, and now as Alynna, I don’t care whatever is your name as long as I change your last name with mine. And this is it, ang swerte mo Im gonna be yours forever.”kinurot ko nga ang epal eh. “ I love you alynna, always and forever.
------------- ----------------------------------- ------------------------------------------- --------------------
END

BINABASA MO ANG
The Player and the Scholar (COMPLETED)
Dla nastolatkówPano nga ba nila babaguhin ang isa’t isa? Eh ang tanong muna magugustuhan kaya nila ang isa’t isa? Malabong mangyarin ah. Una, ayaw ni Jaztine kay wence kasi daw mayabang at mahilig magpa-iyak ng babae. Pangalawa, masama ang ugali at mahhilig mambul...