Chapter 26- hi dad!

367 5 0
                                    

Chapter 26

Wence POV

Ang laki kong gago! Umiwas-iwas ako pero namimiss ko siya. Ginawa ko lahat para iwasan siya, pinapakita ko sa kanya na hindi siya kawalan, na kaya kong palitan siya. Pero mali ako, kahit na anong gawin ko, kahit na pilit kong isipin kung gaano ako kagalit sa kanya, at the end of the day siya pa rin ang gusto ko. Siya pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko.

Nung nakita ko siya sa school, gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, pero dahil gago ako di ko ginawa. At ngayon naman pinuntahan ko siya sa bahay nila. Di ako nagpakita, nasa loob lang ako ng kotse at nagpark sa kabilang side. Nakatingin lang ako sa bahay nila hoping na makita ko siya kahit saglit. Bukas pa ang ilaw sa bahay nila, baka gising pa siya?

Paalis na sana ako ng makita ko siyang tumatakbo. Gabing-gabi na at lumabas pa siya. Kaya sinundan ko siya at nakita ko na umupo siya sa bench. Umiiyak siya, gusto ko siyang yakapin at tanungin kung ano ang nangyari. Nakakapanghina na makitang umiiyak ang taong mahal mo pero dahil nga sa gago ako wala akong ginawa kundi panoorin at bantayan siya.

Nung hinatid ko siya, nag-iiyakan sila ng mama at kapatid niya. Di ko masyadong maintindihan pero di na ako nagtanong. Umuwi na ako ng bahay at di pa rin ako makatulog dahil iniisip ko kung ano ang nangyayari sa kanya. Feeling ko kasalanan ko lahat, dapat sa mga oras na to ako yung karamay niya, pero anong ginawa ko? Dahil sa dakila akong gago iniwan ko siya ng hindi man lang hinayaan na makapag-paliwanag siya.

Jaztine's POV

Tinawagan ko ang dalawang bruha ng buhay ko at pinapunta sa bahay. May gusto lang din akong malaman.

Jake: teh ano na? Magtitigan na lang ba tayo dito?

Aby: oo nga naman sis, ano bang meron? Ginising mo pa ako ng napaka-aga para lang papuntahin dito.

Hay masyadong mainipin. Tiningnan ko muna sila bago ako magsalita.

Jake: ehem ehem. So?

Me: kelan ba tayo naging magkaibigan?

Jake: aay! Cant remember na teh, since nasa sinapupunan tayo ng mga nanay natin!

Me: promise? Kahit tamaan ka ng kidlat at mamatay ka ngayon?

Jake: ha?! Ah... eh... ah.... oh... uhmm grabe ka naman teh gusto mo na ba matsugi ako?

Aby: bakit mo naman biglang natanong yan jaztine?

Me: gusto ko lang malaman ang totoo. So ano na? Kelan tayo naging magkaibigan?

Napansin ko na nagkatinginan silang dalawa at hindi mapakali. Yung itsura nila parang natatae. Hahaha di naman ako galit, gusto ko lang malaman ang totoo.

Me: mukhang di kayo aamin ah. Sige na nga, I want you to know na sinabi na sakin nina mama at apple kagabi na hindi nila ako tunay na kadugo. Kaya ngayon gusto kong malaman kung ano din ang totoo galing sa inyo.

Kitang-kita ang pagka gulat sa mga mukha nila. Huminga muna si jake ng malalim bago nagsalita.

Jake: teh!!!!! Im so sorry!!!! Huhuhuhu di naman namin gustong maglihim sayo eh.

Aby: sorry sis. remember nung 3rd year high school tayo nung pumasok ka sa school namin. Kilala naman namin si apple dati pa eh. At alam namin na wala siyang kapatid. Kaya nung pinakilala ka niya na kapatid niya alam na namin ang totoo nun.

Jake: gusto niya na magkaron ka ng kaibigan dahil masyado kang loner. Remember ayaw mo ng may kasama dati, di ka rin nagsasalita. Kaya sabi ko kay aby kaibiganin ka namin para may kasama ka na.

Aby: eh kaso ang taray mo teh! Hahaha naalala mo ba kung paano tayo naging close? Daig pa namin ang dumaan sa training ng CAT!

Jake: kaya sinabi namin na matagal mo na kaming kilala at nakalimutan mo lang dahil sa amnesia. Nagsinungaling man kami sayo, pero tunay na friendship ang inoffer namin sayo.

The Player and the Scholar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon