Chapter 25- truth

359 6 0
                                    

Chapter 25- truth

Andito na naman ako sa mall at tumitingin ng mga damit. Oh kalma lang, window shopping lang naman eh. Wala kaya akong pera. Bodi ang kalag ko ngayon. Hay makakain nga muna, nakakagutom naman kasi pag walang pera noh?hihihi

Pumasok ako sa Jollibee at umorder. Nakahanap ako ng pwesto sa may sulok at nagsimulang kumain. Kakainin ko na sana ang burger ko ng mapansin ko na may nakatayo sa harap ko. At makikita mo sa mukha niya ang pagkagulat.

Me: ah eh makiki-upo ka ba? Sige lang, wala naman akong kasama eh.

Di naman siya nagsalita kaya kumain na lang ulit ako. Pero napatigil na naman ako sa pagsubo ng mapansin ko ulit na hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Ano ba? balak ba niya akong panoorin habang kumakain? Kainis naman oh.

Me: kuya ano  tutunganga ka na lang jan? Di ka ba uupo? O baka naman hinihintay mo na ipaghila pa kita ng upuan?

Nagulat na lang ako ng biglang nilapag ni kuya ung tray sa table at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

guy: A!?! Ikaw ba yan? Bakit di ka nagpakita samin? Alam mo bang alalang-alala kami sayo?

Naku pagminamalas ka nga naman may nakausap pa akong baliw.

Me: ah eh kuya sinong A? Di naman A ang pangalan ko eh. Atsaka pasensya na pero hindi kita kilala.

Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako.

guy: I know you ikaw si alynna anne alcantara. Di mo ba ako nakikilala?

Me: mister pasensya na talaga but I don’t know you. Baka kamukha ko lang yang alynna na sinasabi mo.

guy: imposible yan. Ikaw si alynna, ikaw ang little sister ko.

The Player and the Scholar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon