Chapter 16- confrontation

343 8 0
                                        

Chapter 16 

Buti naman maaga akong natapos sa pag-enrol. Officially enrolled  na ang peg ko! Teka saan na si bakla? Lumingon-lingon ako kaso di ko siya nakita, sa halip iba ang nakita ko. Si wence. Waah di ko pa siya gustong makita o makausap. Itago niyo ako please lang.

Dali-dali akong tumakbo at lumiko sa may sulok. Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa mini garden. Hiningal ako ng sobra dun ah. Bakit ba naman kasi kelangan ko tumakbo diba? Bakit ko naman siya iniiwasan? Akala ko ba di ko siya iiwasan? Tanga lang din noh? kaso ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Paano ko naman siya sasagutin kung may itatanong siya sakali. Oh diba alangan naman nganga lang?

Masyado akong tinangay ng sobrang lalim ng pag-iisip at pakikipag-usap sa sarili ko at di ko namalayan na may tumabi. Nagulat na lang ako ng tinabihan ako ni WENCE. Oh please leave me alone just for now.

Walang imik.

Wala pa ring imik.

Waaaah di ko kaya to. Magsasalita na sana ako kaso...

Wence: galit ka ba sakin?

Hmmmmmmmmmmm

Me: hindi.

Wence: bakit mo ako iniiwasan?

Heto na. Eto na nga ang sinasabi ko, ano nganga na!

Me: bakit naman kita iiwasan? Lol. Praning ka na. –tumayo na ako pagkasabi ko nun.

Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka siya tumayo.

Humarap siya sakin at tinitigan ako sa mata.

Wence: ayoko ng ganito. Ayoko na iniiwasan mo ako. Ayoko magalit ka sakin. Ayoko mawala ka sakin. Hindi ko yun kakayanin jazmine.

Me: ??O_O??

Wence: alam ko gago ako, sampalin mo ako kung ikagagaan yun ng kalooban mo. Dahil alam ko nasaktan kita. Pero please jazmine, wag mo naman ako iwasan.

Literally napa-nganga talaga ako. Ano daw?

Me: ano ka jan? Anong drama yan? Yan kasi iba ang sinamahan mo sa panonood ng movie kaya di ako makarelate sa drama mo. –sabay tawa.

Tinitigan niya lang ako. ngek naconscious ako bigla ah. kasi naman di man lang siya sumagot o tumawa eh joke yun eh. Sa sobrang hiya tuma.ikod na lang ako at akmang aalis kaso hinila na naman niya ang kamay ko.

Hinawakan niya ang baba ko para makatingin sa kanya ng direcho.

Wence: nagseselos ka ba?

Anak ng pating!

Me: huh? Hindi ah. –tumingin ako sa ibang direksyon dahil di ko kaya tingnan siya sa mata. Kaso ang epal eh, pinilit niya akong tingnan siya sa mata.

Wence: tatanungin kita ulit. Nagseselos ka ba?

Me: hindi nga. Atsaka bakit naman ako magseselos? Pagseselosan ko ba ang pycho na yun? Ano naman ang nakakaselos kung sumandal siya sa balikat mo at inakbayan mo siya habang nanonood kayo ng movie? Di ko naman ikamatay yung sweetness niyo! Wala akong pakialam sa ginagawa niyo, bahala kayo sa buhay niyo okay?

Natapos ako sa litany ko pero wala man lang siyang sinabi. Tiningnan ko siya saglit para makita ang reaction niya. Aba akalain mo yun, nagawa pa niyang magsmile?! Bwisit!

Me: anong ngiti-ngti mo jan? Timang lang eh.

Wence: di ka nga nagseselos. Sobrang selos na selos ka lang.

The nerve at nag-smirk pa!

Me: ewan ko sayo. Abnormal!

Mas lumapit pa siya sakin at hinawakan ako sa bewang. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko. Diyos ko, wag naman sana niya mapansin na malakas ang tibok ng puso ko.

The Player and the Scholar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon