Chapter 15- sem-break

343 6 0
                                    

A/N: ngayon lang makakapag-update dahil hindi ko dala ang laptop habang tinapon ako sa bukid at nagbakasyon. Sa mga nagbabasa nito pasensya na po. Short update.

Chapter 15

Jaztine’s POV

Madaling lumipas ang mga araw. Nalampasan namin ang final exams at natapos namin on time ang mga requirements. 

Nag out of town naman sina aby. Si jake naman ewan kung saan siya nilagay ng diyos. Ako? anong gagawin ko? Konti na lang at magiging bato na ako dito sa bahay.

Kinalikot ko na lang ang mga pictures sa cellphone ko. Hanggang sa nakita ko yung pictures namin ni wence nung palaro. Favourite picture ko yung nasa labas kami ng entrance ng gym, nakaakbay siya sakin habang ako naman ay nakasandal sa kanya at pareho kaming nakasmile. Ubod ng lapad ang pagka-smile. Sino ba naman mag-aakala na magiging kaibigan ko ang unggoy na ‘to? Eh dati rati kulang na lang isumpa ko siya sa sobrang pagkamuhi sa kanya. Pero ngayon? Daig pa ata namin ang magbest friends forever.

Halos magkasama kami araw-araw. Madalas siya tumambay dito sa bahay namin at paminsan naman ako ang nambubulabog sa bahay nila. Malapit na talaga kami sa isat-isa. Masyado na nga kaming comportable na halos di na kami nahihiya sa isat-isa. Napapadalas na rin ang titigan portion, minsan tuloy di ko na rin maintindihan kung ano ba talaga ang  nararamdaman ko.

May mga pagkakataon na ninanakawan niya ako ng halik. Di ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit di ko siya sinasampal o kung bakit hinahayaan ko lang na gawin niya yun. Di ko na nga alam kung ano ba talaga relasyon namin. Oo magkaibigan kami, pero may magkaibigan ba na ninanakawan ng halik sa labi? May magkaibigan ba na lagi akong hinahapit sa bewang para lang yakapin?

Di ko man maintindihan kung anong meron kaming dalawa pero isa lang ang sigurado: Mahal ko si wence.

Saan kaya siya ngayon? Nakatitig lang ako sa picture namin ng biglang may umilaw na bulb sa utak ko.

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Ako naman ngayon ang manggugulo sa bahay nila.

Pagkarating ko sa bahay nila, agad naman ako nakita ng katulong nila at pinagbuksan ng gate.

“nasa loob po si sir wence.”- sabi ng katulong.

Nagpasalamat naman ako at saka pumasok sa bahay.

Wala siya sa sala. Wala rin sa kusina. Saan kaya yun?hmmm Malamang nasa kwarto at natutulog. Umakyat ako sa kwarto at pagbukas ko ng pinto...

Wence: jaz? – gulat niyang tanong sakin.

Di ako nakapagsalita dahil gulat rin ako sa nakita ko. Jaz? Ngayon nya lang ako ulit tinawag na jaz.

“ babe who is she?”- tanong ng babae kay wence.

Wence: uhm steff siya si jaz kaibigan namin ni vince.

Siya pala si steff. Kaya pala familiar. The psycho girlfriend.

“bakit siya umakyat dito? She’s not supposed to be here. It’s private.”-steff

Me: ah sorry. Alis na ako.

Nakatalikod na ako at pababa ng hagdan ng marinig ko na tinawag ni wence ang pangalan ko. Pero di ko na siya pinansin at dire-direchong lumabas ng gate.

Namalayan ko na lang na tumulo na pala ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nasasaktan ako. Nasaktan ako sa nakita ko. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya.

Pagdating ko ng bahay, andun pala si jake naghihintay.

Jake: ay thank you lord! Aalis na sana ako pero buti na lang dumating ka. San ka galing?

The Player and the Scholar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon