This is it..Chapter 1 of Bear my Child, KimXi story again. Hope magustuhan po ninyo. Pag hindi po ako tinatamad. 2 chapter a day ang update. pero pag tinamad ako 1 only. Kaya bear my child also este bear with me..hahaha THANK YOU VOTE AND COMMENT
Chapter 1 Just Give me a Child
Tamara faye De Ocampo, Ang pangalan ko. Malayo sa kinalakihan kung pamumuhay, Ang dinaranas ko ngayun. Namatay ang mommy ko 3 years ago at naiwan kami ng daddy ko, Kasama ng magaling na anak sa labas ng daddy ko. My Dad was into gambling after my mom's death. At ang kuya ko naman ay sa pagdrodroga. Hanggang sa magkabaon baon na ng utang si daddy, na hanggang ngayun hindi pa nito nababayaran.
Kailangan ko ng tatlong milyon para mabayaran ko ang lahat ng pinagkautangan ng daddy ko, para mapalaya na ito. Pero pagminamalas ka nga naman. Ang kuya ko naman ay nagtatago at pinaghahanap ng mga kaibigan nitong drug adik.
Ngayung panahong kailangan ko ng pera tsaka pa sila nagtanggal sa trabaho hayop na buhay ito oh, sino bang mayaman jan at pautangin nalang ako. yung walang interest. Bakit ba kasi ganitong buhay ang binigay ng diyos sa akin. Lord di naman po ako nagrereklamo, gusto ko lang ng explanasyon bakit ganito mo nalang ako pahirapan. Dumagdag pa itong gagong kapatid ko.
Habang naglalakad ako sa dalampasigan bigla kung nakita ang isang lalaking gustong magpakamatay. Hinabol ko ito at sinigawan.
"HOY!!!... Anong ginagawa mo jan.?" sabi ko sa kanya. Jusko bago pa naman itong damit ko tapos mababasa lang. Wala pa naman akong damit ngayun. Kasi yung gagong magnanakaw kanina sa bayan kinuha lahat ng gamit ko. Mabuti nalang may 100 pesos pa akong natira dito sa bulsa ko.
PAGMINAMALAS KA NGA NAMAN.
wait balik tayo sa lalaking gustong magpakamatay.
"HALIKA DITO.." lumusong ako sa tubig at hinabol siya. Ang tapang ko kaya. Di nga pala ako marunong lumangoy. WAAAAaaaaaa
"Tulong nalulunod ako." sigaw ko. Tanga ko talaga ako pa may ganang tumulong sa gustong magpakamatay eh sarili ko naman ang pinapatay ko.
Langoy aso ang ginagawa ko pero di ko talaga kaya.
Hindi na ako makahinga, at ang dami ko na ring nainum na tubig. Ang alat kaya.
natural tamara tubig dagat nga
"Tulong.....HELP." sigaw ko. Bigla akong umangat dahil may buhat sa akin.
Tinignan ko ito nakatayo siya sa harap ko.
Napangit ako kasi hanggang dibdib lang pala ang tubig. Sorry naman.
Pagdating namin sa pangpang at tumayo ako at pinagduduro ko daliri ko sa kanya.
"Bakit ka ba nagpapakamatay. Grabe ganyan na ba kayong mga mayaya...."
"Sino ba kasing may sabing nagpapakamatay ako."
"Bakit hindi ba yun pagpapakamatay?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, nawawala kasi yung shorts ko kaya hinahanap ko. Nong nahanap ko na tsaka ka nagsisigaw ng tulong, eh hindi naman ganon kalalim." bigla akong napahiya sa sinabi nito. Tumalikod na ito at naglakad palayo. Sumigaw naman ako.
"LORD PLEASE BUHUSAN MO AKO NG KAHIT KUNTING PERA LANG. LAHAT GAGAWIN KO KAHIT ANO PANG IPAGAWA MO SA AKIN." sumalampak ako sa buhangin at nagmukmok doon.
"Kailangan mo ng pera?" umangat ang mukha ko at tinignan kung sino yung nagsalita.
"Wow nasa heaven na ba ako. Grabe ang gwapo pala nito sa malapitan. Di ko naman kasi pinansin kanina."
BINABASA MO ANG
BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETE
RomancePaano pag nabigyan ko na siya ng anak? Anong mangyayari sa amin? Sa akin? Paano kung natutunan ko na siyang mahalin? Pero nasa kasunduan na, Anak lang ang gusto niya. Kaya mo bang iwan ang anak mo, pati ang tatay nito na napamahal na rin sayo?