Chapter 8 Bitch is BACK

16K 335 11
                                    

Chapter 8

Tamara's POV

     Isang linggo kaming nasa tagaytay ni Kenzie pero hindi nito sinasabi na may problema pala ito sa companya. Kaya nong bumalik kami natambakan siya sa trabaho. Hindi na siya umuuwi kung minsan dahil sa mga problema. Kaya ako naiiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay nito.

     Nag-ring ang phone ko at nakita ko ang hindi Familiar na number. Sinagot ko ito.

"HEllo?"

"Tamara.. Si Gab ito busy ka ba?"

"Paano mo nalaman ang number ko?"

"Pinagtanong tanong ko sa mga kaibigan natin. Friend pwede ba tayong magkita saglit." sabi nito sa akin, umiiyak ito.

"Okay sige, text mo sa akin location pupuntahan kita." sabi ko. Aakyat na sana ako nong tawagin ako ng katulong. "Ma'am ano po ang iluluto ko?" tanong nito sa akin.

"Ahh hindi ako dito kakain manang, pero magluto ka nalang ng pang dinner mamaya, baka kasi dumating si Sir Kenzie nyo ehh. Aalis lang ako saglit may imeet lang akong kaibigan."

"Okay sige po ma'am."

Nasa Mall na ako sa sinabing place ni Gab naghihintay ako sa kanya.

"Mara...." napalingon ako. Nakita ko ang mukha ni Gab.

"Oh anong nangyari sa mukha?" tanong ko sa kanya at umiiyak ito.

"Friend...nalaman na ni daddy na bakla ako."

"Anong sabi niya?"

"Sympre hindi niya matanggap, ang tagal tagal ko daw siyang niloloko." niyakap ko ito at hinagod hagod ang likod.

"Paano ba kasi nalaman ni tito?"

"Nagpunta kasi sa bahay namin si James. Yung boyfriend ko."

"Hindi ba siya nagsabi man lang sayo na pupunta siya sa bahay ninyo?"

"Nag away kasi kaming dalawa bago ako umuwi, dahil ayaw nyang sumama sa akin, hindi ko naman akalain na pupunta siya sa bahay." naawa ako sa kaibigan ko. Sa subrang tagal nitong tinago agn pagkatao niya. Ganito lang siya mabubuking. Kaya pala ito umuwi dahil gusto na nitong sabihin sa daddy niya ang tunay na siya.

"Saan ka ngayun tutuloy?" tanong ko sa kanya.

"Nasa hotel kami ngayun ni James. Mas mabuti siguro kung papalamigin muna namin ang ulo ni daddy."

"Mabuti naman, tama yun masyado pang mainit ang ulo ng daddy mo. Patingin nga yang mukha mo. Grabe asintado pa rin pala ang daddy mo. Tignan mo oh.." pagbibiro ko sa kanya.

"Ito kung makapagsalita. Ah siya nga pala yung kasama mo pala nong nagkita tayo, totoo bang asawa mo? kasi Kung may asawa ka mag iimbita ka."

"Di mo ba narinig sinabi niya. Hindi pa kami kasal. Oa ka huh.. magkakaanak lang kami."

"Magkakaanak lang.. Bakit may lang.." napatingin siya sa akin.

"ahh basta.. Sasabihin ko sayo pag ready na ako." Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan ng biglang tumawag si Kenzie sa akin.

"Sandali sagutin ko lang ito." lumayo ako ng kunti.

"Hello..."

"Anong oras ka uuwi."

"Ahh pauwi na rin ako." pagkasabi ko may biglang humalik sa pisngi ko. Nagulat pa ako ng makita ko ito.

"Oh anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang ako, nakita kita. Sinong kasama mo dito." palinga linga siya.

"Ahh si Gab.." ayan na yung masakit ng tingin nito.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon