Chapter 11 Baby Mark Kenjie is Born

15.7K 334 10
                                    

Chapter 11

Tamara's POV

              Maaga akong nagising dahil medyo di ako nakatulog sa mga nagdaang gabi dahil na rin siguro sa malapit na ang due date ko. Kung minsan natutulog nalang akong nakaupo dahil medyo sumasakit na talaga ang lower back ko pag nakahiga. Nong nakaraang araw nagpaalam si Kenzie na pupunta sa boracay para sa isang gagawing mga project doon.

Pababa na ako ng hagdan papunta sa kusina para kumain ng breakfast. Nakasalubong ko ni manang robi. "Ma'am nakahanda na po ang breakfast ninyo." sabi nito at lumapit ako sa mesa. Grabe tataba ako ng wala sa oras nito. Nag gain na ako dahil sa pagbubuntis ko.

Habang kumakain ako biglang lumapit ulit si Manang at binigay ang mga mail, at newspaper sa akin. Usually si Kenzie ang mahilig magbasa ng mga newspaper. Pero dahil wala ito naisipan kung magbasa. Nahulog yung mail at nakita kung nakapangalan sa akin.

"Huh, nakakapagtaka naman na may sulat ako. Di nga nila alam na dito ako nakatira eh." sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko ang Mail na hawak ko. Nilabas ko puro mga picture ang laman nito. Mga picture na kuha sa Boracay. Tinignan ko lahat ng picture na kuha doon. May mga babaeng kasama si Kenzie at panay ang bulong bulongan ng mga ito sa picture.

”Hindi ako nagseselos noh kung ito man ang dahilan ng nagpadala ng pic na ito." sabi ko sa sarili ko. Pero nabigla talaga ako sa dalawang huling picture na nakita ko. Nabiglang nag kick in sa utak ko ang larawan.

Isang picture na kuha na may kahalikan si Kenzie na babae, sa pangalawang picture nakilala ko ang tinutukoy ko. Si Samantha. Ang Gorillang babaeng ito. Kung di lang talaga ako buntis pupuntahan ko silang dalawa sa boracay. Pero pasalamat sila at buntis ako. Ayaw kung irisk ang kalagayan ng baby ko.

Pagkatapos kung tignan ang mga picture ay isinantabi ko nalang muna. At ipinagpatulog ang pag aalmusal. Ayaw kung masira ang umaga ko dahil lang jan sa letchign picture nila. Pero hindi magagawa ni Ken iyon. Or baka naman pinagusapan nilang dalawa ito. Gusto lang nilang mapagisa kaya nagpaalam si Ken sa akin na aalis para sa business. GRRRR.

"Ma'am may bisita po kayo." nagulat ako sa sinabi ni manang. Ako may Bisita. Nakakapagtaka naman ata. "Baka naman po kay Kenzie ang bumibisita manang." paninigurado ko.

"Naku hindi po ma'am. Tinanong ko pa nga po siya kung sino. Sabi ni Tamara daw." bigla akong kinabahan.

"Pero ma'am dumalaw na po siya dati dito. Di ko lang matandaan kung kailan iyon. Pero magkaibigan po sila ni Sir. Ken." Mas lalo pa akong kinabahan doon. Dahil kilala ko na ang sinasabi ni MAnang.

"Nasaan po siya?" tanong ko.

"Nasa garden po ma'am. Magdadala nalang po ako ng coffee."

"Okay.." Lumabas ako sa may Garden at nakita ko si kevin na nakaupo doon. Dahan dahan akong lumalapit sa kanya. Nakatalikod kasi ito kaya di niya ako naramdamanan.

Paglapit ko ay bigla itong tumayo at tumingin sa akin.

"Anong kailangan mo at naparito ka?" tanong ko sa kanya.

"Nandito lang ako para kumustahin ka. Alam ko due date mo na next week." bigla akong napatingin sa kanya.

"Pati ba naman iyon alam mo Kevin. Or inistalk mo lang ako."  sabi ko sa kanya. Biglang dumating ang coffee na dala ni manang kaya napatigil kaming dalawa.

"Itigil mo na ito Kevin. Hindi na kita mahal. Mahal ko na si Kenzie."

"Bakit nasabi na ba sayo ni Kenzie na mahal ka niya?" bigla akong natahimik. Hindi pa niya nasasabi pero sa puso mahal ko siya.

"Umalis ka nalang Kevin at wag na wag ka ng babalik." tumayo na ako pero nagsalita pa rin si Kevin.

"Pag sinaktan ka ni Kenzie, hindi ako magdadalawang isip na kunin sa kanya. Tandaan mo yan Tamara. Oras na sinaktan ka ni Kenzie."

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon