Warren Pinalitan ko po ng Kevin para walang malito.
Chapter 15 3 years later
"Ate Mara..Ate mara.." narinig kung tawag ni Peter na nasa labas. Tumunghaw ako sa bintana. "Ate Mara halika na magsisimula na sila sa bayan." sabi nito. Fiesta kasi dito sa ilocos. At pag ganitong Fiesta laging abala ang lahat. May mga pakain at mga palaro sa bayan na laging hinihintay ng mga tao doon.
Tatlong taon na nong nangyari ang trahedyang pagkawala ni baby Kenjie. Wala ng nakapagsabi kung buhay pa ito or hindi na. Wala na rin akogn naging balita pa kay Kenzie. Matapos ng pag uusap namin ng gabing iyon...
"Nandito ako para isuli ito sayo." nilapag ko sa mesa nito ang kwentas at sing-sing na binigay niya sa akin.
Nilingon nito ang bagay na nilagay ko sa mesa. "Binigay ko iyan sayo. Itago mo na." matamlay nitong sabi sa akin.
"Ayaw kung magkaroon bagay na maguugnay pa sa atin. In the first place, sana pala hindi na natin ginawa."
"Wag mong sabihin yan, buhay pa ang anak natin."
"Yan din ang iniisip ko. Buhay pa nga talaga ang anak natin. Pero nauna kang sumuko at ipinatigil mo na ang paghahanap sa anak natin." sabi ko sa kanya. Pero hindi ito na ito nagsalita pa.
"Ito ay bayad ko sa pag tira ko dito sa bahay mo." nilapag ko ang subre na may laman na pera.
"Hindi ko kailangan ng pera."
Tumalikod na ako at umalis ng bahay niya. Doon na rin natapos ang ugnayang nagbubuklod sa aming dalawa.
Tatlong taon na ang nakakalipas, pero hanggagn ngayun hindi pa naghihilom ang lahat. Lahat ng sugat.
"Ate mara tara na dalian mo. Baka hindi natin makitang mag perform si Patpat nyan." sabi nito na tumatawag sa akin galign sa baba.
"Nanjan na po.." sabi ko kay Peter. Labing dalawang taong gulang lang pero kung makaastan parang kuya ko yan.
Nasa Bayan na kami at saktong mag peperform na si patpat. Siya ang alaga kung bata mula nong napadpad ako dito sa Ilocos. Tatlong taong gulang na rin ito. Kung nabubuhay lang si Kenjie. Magkasing edad siguro sila ni patpat (patrick).
"GO Patrick galingan mo." sigaw ko sa kanya. Nakita kung tumingin si Patrick sa akin.
Pagkatapos ng Competion ng Minime ng Ilocos. Tinanghal si Patrick na nanalo. Tuwang tuwa ang bata sa napanalunan niya.
"Naku ang galing galing mo naman..Kahit patpatin ka." tumawa naman ng malakas si Peter. Biglang sumimangot si patrick.
"Nanay oh si Peter." Tumawa kami pareho ni Peter.
"Nagbibiro lang itong si Peter ikaw naman, Hindi ka na mabiro." sabi ko sa kanya.
"Siya nga pala nanay, ito po ang perang napanalunan ko."
"Oh bakit binibigay mo sa akin ito. Sayo ito eh, napanalunan mo." sabi ko sa kanya.
"Oo nga Patrick." untag ni Peter.
"Eh kasi nanay, Nakita ko po kasi kayong nagiipon na pera. Alam ko pong kailangan nyo ito para hanapin ang nawawala ninyong anak." biglang may kumurot sa akin. Bigla nalang nagtubig ang mata ko sa narinig ko. "Gusto ko po kasi kayong makitang masaya ngayung mothers day." Niyakap ko ng mahigpit si Patrick.
"Salamat anak."
"Ehem...kakain po ba tayo, kasi kanina pa po kumakalam ang sikmura ko." napatingin kaming dalawa ni Patrick kay Peter.
BINABASA MO ANG
BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETE
Roman d'amourPaano pag nabigyan ko na siya ng anak? Anong mangyayari sa amin? Sa akin? Paano kung natutunan ko na siyang mahalin? Pero nasa kasunduan na, Anak lang ang gusto niya. Kaya mo bang iwan ang anak mo, pati ang tatay nito na napamahal na rin sayo?