Chapter 3 The Making

20.3K 417 27
                                    

Ayan na chapter 3 na... Kung nabasa nyo ang title ng chapter 3 Alam na.. Sa mga isip bata jan alam na..hahaha Joke lang...Pero kung open-minded kayo eh maiintindihan nyo..

Enjoy chapter 3.... Comment and Vote po salamat

Chapter 3 The Making

Tamara's POV

"AHHHHHH...." Nasinagan kasi ang mata ko, agad akong napaupo sa kama ko.

"Ganyan ka ba talaga gumising?" May nagsalita sa likod ko. Nakita ko siyang nakaupo sa isang chair doon.

"It's already 10am Ms. De Ocampo." sita nito sa akin.

"Pasensya na napuyat kasi ako kagabi kakaisip..." napatingin ako sa kanya. hindi pweding malaman niya na iniisip ko kung anong mangyayari mamayang gabi..waaaaaaa my precious one...

"Anong iniisip mo? Pera na naman, diba kabibigay ko lang?" sabi nito.

"Huh hindi, i mean wag mo na akong pansinin. Sige na lumabas ka na magbibihis na ako. Ano ba kasing kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Dalian mong magbihis magshopping tayo." sabi nito at agad namang lumabas.

shopping ba yung narinig ko.

"Omg magshoshopping daw kami." kinikilig ko namang sabi sa sarili ko.

Papasok na sana ako sa bathroom ng mapansin ko ang malaking cabinet doon. Binuksan ko ito at WOW. May kaya rin kami pero hindi ganito karangya ang kinalakhan kung buhay. Lahat ng perang binibigay nila ay inupon ko at yun ang ginamit ko sa mga tuition ko ng mamatay si mama. Nakapagtapos ako ng Business Management sa UP. Pero hindi ko pa nakukuha ang Degree ko. Gusto ko sana kaso wala naman akong sapat na pera.

"Grabe ang yaman naman talaga ng kaibigan nitong si Kenzie. Puro class ang mga pangalan ng damit. Ako isang Guess at Chanel na bag lang ang mayroon ako. Pero ito...hmmm

"Hindi ako naniniwalang nakikitulog lang ang kaibigan niya dito. Eh bakit may gamit siya na mga importante. Paano kung mawala ito." Nawala kao sa pagmumuni muni ng biglang may kumatok.

"Ma'am paki bilisan daw po sabi ni Sir Kenzie, ayaw po niya ng pinaghihintay."

"Sige po bababa na rin po ako." grabe namn itong isang ito. wala pa ngang 10mins na bumaba. Nagdabog ako papasok sa bathroom nito.

Kenzie's POV

Grabe tulog mantika pa pala itong babaeng nakuha ko. Pero matagal ko siyang natitigan, infairness maganda ito kahit na tulog. Sana araw araw ko itong makikita. Hala ano ba itong iniisip ko.

"Sir bababa na daw po siya." sabi ni manang na inutusan ko para tawagin siya. Ang bagal bagal niya kasi. Naiinip na ako.

10mins pa akong naghintay pero wala pa rin ito. Aakto na sana akong aakyat pero may nagsalita na.

"Wag mo ng pagurin ang sarili mo, ito na ako oh pababa na. Sorry." Napatingala ako sa may hagdanan, isa lang nasabi ng isip ko. wow

Paanong di ka mapapawow, nakasuot ito ng Black skinny jeans at Pink Demin shirt at naka sunglases pa. May hawak din itong maliit na bag.

Palapit na siya sa akin, humalimuyak ang bango nito sa buong living room.

"Binuhos mo ba lahat sa katawan mo yung Pabango sa loob ng kwarto mo?" sabi ko sa kanya, kasi grabe ang amoy ng pabango nito.

"Huh eh isang spray ko lang naman. ah baka ang naamoy mo eh itong damit, hiniram ko na wala pa kasi akong maisuot. Buti nalang magkasize kaming dalawa nong kaibigan mo."

"Halika na at maibili na kita ng magagamit mo, nang hindi mo na hinihiram yang mga gamit ng bestfriend ko."

"Bestfriend mo ba talaga ang may-ari nito baka naman sayo ah." napatingin ako sa kanya.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon