Chapter 14 Pain

13.9K 271 5
                                    

i know this chapter might be confusing sa inyo. Pero maiintindihan nyo sa mga susunod na chapter kung mangyayari.

Yung Pangalan palang Warren pinalitan ko ng KEvin baka malito din kayo..

Chapter 14 Pain

        

            Dumating si Kenzie sa mansion na walang expression ang mukha. He looks like zombie pagdating niya. Agad ko itong nilapitan pero pinigilan niya ako sa paglapit sa kanya.

”Wag ka munang lalapit sa akin. Gusto kung mapag-isa." tatlong gabi na kasi siyang naghahanap at sumasama sa mga pulis sa paghahanap sa anak namin. Alam kung kasalanan ko. Ako sana ang naghihirap at ako sana ang gumagawa ng paraan para hanapin ang anak ko. Pero paano ko gagawin iyon kung ngayun palang pinanghihinaan na ako ng loob. Sa ilang araw nilang paghahanap ni bakas ni Manang robi na isang Alyas lang pala nito ang nagpakilala sa kanila. Veronica ang totoong pangalan nito.

      Wala na kaming ibang suspect maliban sa kanya. Nawawalan na rin kami ng pag asang mahanap pa si baby Kenjie. At ayaw kung dumating nalang ang araw na kakamuhian na ako ni Kenzie.

Kenzie's POV

          Para akong pinatay ng paulit ulit ng banggitin ni Tamara ang pagkawala ni Kenjie. Parang kidlat kung sumugod ako sa airport. Nakipagaway pa ako sa mga staff doon. Pero pinayagan din nila ako. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakauwi na ako sa mansion. Nadatnan ko doon si Kevin, biglang umangat ang init ng ulo ko ng makita ko siyang pinapakalma si Tamara. Nang makita ako ni Tamara ay lumapit siya sa akin. Tinignan ko lang siya at yumakap sa akin. Pero kumalas din ako sa pagkakayakap nito at umakyat sa taas para magbihis.

Tatlong araw na kaming walang tigil sa paghahanap kay Kenjie. Pero wala pa rin silang lead kung nasaan ito. Wala man lang tumatawag para humingi ng ransom. Kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Habang nakikita ko si Tamara mas lalo ko lang naiisip ang anak ko. Mas lalo ko lang kinamumuhian ang sarili ko.

Third POV

         "Sir anong gagawin natin dito sa bata." tanong ng tauhan ko sa akin. Nakakabuwisit panay ang tanong ng mga ito.

"Hayaan mo lang jan. Jay bumili ka ng gatas ng bata. Kumuha ka na rin ng taong mag aalaga nito." sabi ko sa kanila.

"Hindi ba tayo hihingi ng ransom sa ama nitong bata?"

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon