Chapter 5 1Week Preggy
Tamara's POV
Pagkatapos kung sabihin kay Kenzie na buntis ako agad akong bumaba sa kusina para kumuha ng maiinom. Bigla kung naamoy ang niluluto nito. Kaya pumasok ako sa loob ng kusina. Sa dirty kitchen nila. Alam mo naman ang mayaman ang aarte diba.
"Oh ma'am ano po ang ginagawa ninyo dito, mabaho po dito sa loob kasi nagluluto po kami." sabi nito habang tinataboy niya ako. Kahit kasi dito sa maynila marami itong katulong. Iba yung taga luto, taga laba, tiga linis ng bahay. MAYAMAN KASI..
"Naamoy ko kasi yung niluluto mo eh, ano ba yun?" tanong ko sa kanya. Pero biglang bumaliktad ang tiyan ko. Naduduwal na ako. Kaya mabilis kung tinungo ang power room malapit sa kusina nila. "Ma'am okay lang po ba kayo? may nakain po ba kayong di maganda kanina? gusto nyo po ba tumawag na ako ng doctor?" natatarantang sabi ng maid nila.
"Hindi na okay na ako. Aakyat lang ako sa taas para makapagpahinga ng maayos. Pag hinanap ako ni Kenzie sabihin mo nalang." bilin ko sa kanya. Tsaka ako umakyat sa taas. Grabe ganito pala ang feeling. Naku hirap pala.
Pagkapasok ko sa loob ng Kwarto ko ay umakyat ako sa kama. Pahiga na sana ako ng biglang may tumatawag sa akin, longdistance pa. Nagtaka ako. Pero naisip ko yung sabi ni Kenzie sa akin. Na pinadala niya si papa sa Japan.
"Hello." sambit ko tsaka ko pinakinggan.
"Anak." mahinang sabi nito sa akin. Parang gusto kung umiyak ngayun. Grabe naluluha na talaga ako.
"Anak, maraming maraming salamat sa tulong mo sa akin."
"Papa naman eh, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo lang. Di ko naman maaasahan si kuya dito." sabi ko sa kanya.
"Pero saan ka kumuha ng ganong pera? yun boss mo bang nagpadala sa akin dito sa japan?" bigla nitong sabi.
"Opo nagtratrabaho po kasi ako sa kanya. Bilang..." hindi ko masabi sa kanya. Ayaw ko namang sabihin ang totoo. Napabuntong hiningan nalang ako.
"Bilang...assistant niya sa ibang companya nito. Pero wag na po ninyong alalahanin iyon, mabait lang po talaga si Sir Kenzie." Totoo naman ehh mabait naman talaga siya, Pero parang nakakatakot lang.
"Pakisabi nalang jan kay Kenzie na maraming maraming salamat. Napakalaking tulong nito para sa akin anak. Sa ilang linggo ko palang dito nasasanay at maganda ang pakiramdam anak, nakalimutan ko ng magcasino at nakafocus na ako sa trabaho." pagkukwento nito sa akin. At sa naririnig ko parang bumabalik na ang dating papa ko.
"Pa pakabait ka jan ahh. Pag ako nakaluwag luwag bibisitahin kita jan." sabi ko sa kanya.
"Naku ako nalang anak ang uuwi. Pero hindi muna ngayun kasi subrang busy ngayun dito. Ang yaman pala ng amo mo." napangiti nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/15171039-288-k950580.jpg)
BINABASA MO ANG
BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETE
RomancePaano pag nabigyan ko na siya ng anak? Anong mangyayari sa amin? Sa akin? Paano kung natutunan ko na siyang mahalin? Pero nasa kasunduan na, Anak lang ang gusto niya. Kaya mo bang iwan ang anak mo, pati ang tatay nito na napamahal na rin sayo?