Last Chapter for today....tomorrow is the last day of my vacation.....kaya abangan dahil 1 chapter a day nalang tayo..sorry po..i will try my best to update fast.....
Happy reading everyone..don't forget to VOTE and COMMENT salamat po
Chapter 9 Unexpected Visitor
Tamara's POV
Mag aapat na buwan na akong buntis at medyo nararamdaman ko na rin ang pagsisipa ng bata. Hindi na rin nagparamdam yung bruhang babae sa amin. Will di ako sigurado noh kung nagkikita sila ni Kenzie.
Nasa Garden ako ng biglang may magdoor bell sa pinto namin. "Ako na po ma'am." sabi ng kasambahay namin. "Okay." pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
"Ma'am may naghahanap po kay Sir, Kenzie. Kaibigan daw po niya ito." sabi ni Manang robi.
"Sige papasukin mo, tsaka tawagin mo ang si Kenzie." Lumingon ako at napatingin sa lalaking nakatayo at nakaharap sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Hindi...hindi pwede ito...
Bigla akong tumalikod sa kanya.
"Tamara..." napabuntong hininga ako. Hindi pweding makita niya ako ng ganito.
"Tamara ikaw ba yan?" nakalapit na siya sa akin at nakahawak sa braso ko ng biglang dumating si Kenzie.
"Kevin..Pare mabuti at dumating ka na." natuon ang pansin nito kay Kenzie. Kaya minabuti kung umalis na muna ako.
"Oo nga eh, kararating ko lang galing texas." narinig kung sabi nito.
"Halika pumasok ka na muna dito sa loob."
"Tamara, magpahain ka kay manang ng merienda." sabi nito sa akin. Napapikit ako saglit, Medyo nahilo kasi ako.
"Okay lang po ba kayo ma'am." tanogn sa akin ni Manang robi.
"oo okay lang ako. Ipaghanda mo nalang sila ng makakain. Sabihin mo umakyat na ako sa taas para magpahinga."
"Okay po ma'am."
Kenzie's POV
Tumawag sa akin ang kaibigan kung si Kevin nadarating daw ito galing texas. Magbabakasyon lang ito sa pilipinas para bisitahin ang family nito. kaya pinapunta ko siya dito sa bahay. Pero nagtaka ako ng nawala nalang bigla si Tamara.
"Manang si Tamara?" tanong ko kay Manang robi.
"Ah sabi po niya sa taas muna daw siya, baka makaabala daw sa inyo."
"Okay sige." sabi ko.
"Asawa mo?" tanong ni Kevin sa akin.
"Ano ka ba, kilala mo ako Kevin."
"Oo kilala kita Ken, hindi mo gusto ang commitment. Pero bakit buntis ito?" tanong ni Kevin sa akin.
"Diba nasabi ko sayo yung problema ko dati pa."
"Oo nasabi mo nga sa akin...you mean ginawa mo nga??" tumango ako.
"Binayaran ko siya para dalhin niya ang magiging anak ko. Hindi ito tumanggi dahil kinailangan niya rin ng pera ko."
"Pero Ken naman, hindi mo ba pweding umampon ka nalang."
"Bakit ka ba nagagalit Kevin. Hindi ako pweding mag ampon dahil gusto ko kadugo ko."
"At sinamantala mo ang kahina ng babaeng ito?"
"Pare pag hindi ko ito ginawa. Pagdilat ko kinabuksan mawawala lahat ng mga naipondar ko."
BINABASA MO ANG
BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETE
RomancePaano pag nabigyan ko na siya ng anak? Anong mangyayari sa amin? Sa akin? Paano kung natutunan ko na siyang mahalin? Pero nasa kasunduan na, Anak lang ang gusto niya. Kaya mo bang iwan ang anak mo, pati ang tatay nito na napamahal na rin sayo?
