Chapter 20 Marry Me TAMARA

15.1K 335 17
                                    

Chapter 20

 

 

Tamara's POV

 

4 years later....

 

          Pitong taong gulang na si Kenjie at unti unti na niyang naiintindihan ang mga nangyari dati. Apat na taon na rin mula nong umalis si Kenzie sa piling namin. Pero i feel empty nong umalis siya. Hindi ako nagtanong kung saan siya pupunta. Dahil naintindihan ko kung bakit niya ito ginawa.

 

Binigyan niya ako ng kalayaan para makasama si Kenjie at iparamdam sa kanya ang mga nawalang pagmamahal bilang isang ina. Binigyan ako ni Kenzie ng pagkakataong makasama si Kenjie. Pero sa kabila ng paghahangad ko ng pagmamahal ni Kenjie doon ko na realize na kulang pa rin pala. Kulang ang puso ko dahil wal asi Kenzie sa tabi ko.

 

Apat na taong wala akong naging balita kay Kenzie. Ang tanging natatanggap ko lang galing sa kanya ay ang araw araw na pamimigay nito ng Sulat at mga Bulaklak. Hindi niya ako nakakalimutan sa araw araw. Sa apat na taong iyon mas lalo kung minahal at sabik na makasamang muli si Kenzie.

 

 

"NAY....Nay." napatingin ako sa labas ng bahay. Natapos ang pagmumuni muni ko sa tawag ng anak kung nasa labas.

 

"Nay may bulaklak na naman pong galing kay tito Kenzie." sabi ni Patrick sa akin. Napangiti nalang ako habang kinukuha ang bulaklak dito.

 

May nakita akong isang maliit na card na nakasilid sa bulaklak. Kinuha ko ito at binuksan.

 

Nang mabasa ko ang nakasulat doon bigla akong napangiti. Nakasaad sa sulat,.

 

im coming back babe.

 

 

Kenzie's POV

 

         Apat na taon na ang nakaraan pero hindi ko mahintay ang araw na muli kaming magkikita ni Tamara. Ang araw na pagkikita namin. Sabik na sabi na akong makita sila ng anak ko. Pero hindi ako nagkulang sa kanila. Lagi lang akong nasa tabi ng mag ina ko.

 

Nagawa ko ito dahil yun ang naiisip kung paraan para makasama ni Tamara si Kenjie. Mas maiintindihan ng bata ang lahat kung ang kanyang ina ang magpapaliwanag sa kanya ang lahat.

 

"Pare handa ka na ba?" tanong sa akin ni Lenard habang inaayos ang lahat.

 

"Matagal ko itong hinintay Lenard. Matagal kung pinaghandaan ang araw na ito. Sabik na akong mayakap silang dalawa. Napagsisihan ko na lahat ng kasalanan ko sa mag-ina ko. At siguro naman ay napatawad na ako ni Tamara."

 

 

"Napatawad ka na niya. Tatanggapin ba naman niya ang mga bulaklak na araw araw mong binibigay. Sus pwede na siyang magpatayo ng Flower shop sa ginagawa mo eh. Kaya itigil mo na." nagtawanan kaming dalawa ni Lenard.

 

"Okay na ba ang lahat Lenard?"

 

"Oo naman. Nakausap ko na rin ang mga anak mo."

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon