Chapter 17 Blood By Blood

14.6K 280 8
                                    

Chapter 17

James's POV

          Nakarating kami sa Resort kasama si Uno at ang yaya nito.

"Dad ano pong ginagawa natin dito? Magbabakasyon po ba tayo?"

"Hindi may kakausapin lang ako. At gusto kung mag stay ka dito sa kwarto hangga't wala ako." Sabi ko sa kanya. Tsaka ako umalis at puntahan si ang boss ko.

Tamara's POV

       Nakatulog na sila Kevin, Patrick at Peter ng iwan ko sila sa kwarto. Masaya lang ako kasi nanjan si Kevin para tulungan ako. Hindi niya ako iniwan mula nong walang wala ako. Siya ang tumulong sa akin para makabawi sa sakit na napagdaanan ko sa buhay.

Habang naglalakad lakad ako. May nakita akong isang batang naglalakad mag isa. Tumingin ako sa paligid pero parang mga wlang naghahanap dito.

"Hi bata, oh bakit ka umiiyak?"

"Hindi ko po kasi alam kung saan ang daan pabalik sa hotel namin." bigla kung nakita dito sa bata ang Batang Kenjie. Ang mga mata nito.Hinaplos haplos ko ang buhok nito at mga katawan niya.

"Tahan na, Sino ba ang kasama mong pumunta dito?" tanong ko sa bata.

"Daddy ko po, pero umalis po siya at may kinausap lang daw po." sabi nito.

"Halika dadalhin muna kita sa Information area baka may naghahanap na kasi sayo doon." Tumalikod na kami para pumunta doon. Nang biglang lumingon ang bata. Nakarinig kami ng pagtawag mula sa likuran namin,

"Uno!..Uno..."

"Yaya..."

"Uno saan ka ba nagpupunta? hinahanap ka na ng daddy mo." narinig kung sabi ng yaya nito.

"Mabuti naman po at dumating na kayo. Dadalhin ko na sana siya sa Information officie para ipagtanong."

"Pasensya na po kayo kung naabala namin ikaw."

"Naku wala po yun. Ano po ulit yung itinawag nyo sa kanya?"

"Ahh Uno..Yun kasi ang pinangalan sa kanya ng tatay-tatayan nito."

"ahh ganon ba."

"Halika ka na Uno hinahanap ka na nila." Bigla nitong pinunasan ang likod nito at bigla kung nakita ang balat sa likod nito.

Lalapitan ko na sana sila nong dumating si Kevin.

"Tamara..." Lumingon ako sa kanya. "Kevin.."

"Okay ka lang ba?" tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam, pero their something with that kid. Nararamdaman ko."

"Tamara..baka kung ano lang yang nararamdaman mo. Halika na hinahanap na tayo nila Peter at Patrick." Nakalayo na sila Uno at ang kanyang yaya.

Inakay ako ni Kevin papunta sa Hotel namin. Pero lumilingon pa rin ako sa direction kung saan pumunta ang dalawa.

Kenzie's POV

              "Maghanda ka Shane, nasa paligid lang natin ang mga tauhan ng daddy mo. Alamin mo ang bawat galaw nila. Ako ang papasok sa loob." sabi ko kay Shane. Kumubli ako sa may likod ng binata ng mayroong taong rumuronda doon.

"Mag-ingat ka Ken." sabi nito tsaka siya tumakbo palayo. Nasa labas na ako ng makita kung papasok ng building ang isang familiar na mukha. Isang babaeng matagal ko ng hinahanap.

"Pagkatapos nating kumain saan nyo pa gustong pumunta." Napatingin ako taong nagsalita. Si Kevin...

"Magpapahinga nalang muna siguro ako. Ikaw na muna bahala sa mga bata." bigla akong nakaramdam ng sakit ng marinig ko sang salitang mga bata. May anak na sila?

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon