Chapter 16
Tamara's POV
Nasa resort kami at nakikita ko kung gaano kasaya sina Peter at Patrick sa paglalaro. "Oh nag eemote ka na naman jan. Pwede bang itigl mo na yan Tamara."
"Anong gagawin ko kung lagi kung naiisip ang anak ko. Feeling ko nga nasa malapit lang siya eh."
"Hayaan mo mahahanap at mahahanap din natin si Kenjie. Ang mabuti pa magbihis ka na ako na ang mag babantay sa dalawa." sabi nito sa akin.
"Sige aakyat lang ako sa kwarto ko." sabi ko kay Kevin.
Habang naglalakad lakad ako papunta sa hotel namin. Pinagmasdan ko ang kagandahan ng resort. Mula kasi nong napunta na ako dito sa Ilocos never na akong nagpunta sa manila.
"I know kenzie, basta ang mabuti pa hanapin nalang natin dito si daddy." bigla akong napalingon sa narinig kung naguusap. Narinig ko kasing binanggit nito ang pangalan na kenzie.
Hinabol ko ito pero nawala nalang ito bigla. Hindi naman kaya nandito si kenzie.
James's POV
Tatlong taon na rin mula nong kinuha namin ang bata mula kay Kenzie. Tatlong taong nasa poder namin ang bata. "Uno..." tawag ko sa bata. Tumalima namn ng takbo ang bata at pumunta sa harapan ko.
"Mag-empake ka uuwi tayo ng pilipinas."
"Really?" ngumiti ito. Napamahal na rin sa akin ang batang ito. Gustong gusto ko siyang patayin pero parang may humaharang sa akin para gawin ito.
Maaga palang ng dumating kami sa pilipinas. Hindi kami agad nakalabas ng Airport dahil na rin dito kay Uno. Erico Sebastian ang ipinangalan ko dito sa bata, para hindi makilala ng tatay nito. Hindi rin maalis sa isip ko ang sinabi ng tauhan ko na ang pangalan ng nanay nito ay Tamara. Naalala ko tuloy ang kapatid ko.
"Dad where we going now?" tanong ng bata sa akin.
"We must find my sister. Pero before that mag stay muna tayo sa hotel." sabi ko. Paglabas namin ng airpot. Dumating na ang mga susundo sa amin.
"Magandang umaga boss." bati sa akin ng tauhan ko.
"Anong balita dito."
"Wala naman pong pag babago Sir." tumingin siya sa batang katabi ko.
"Laki na niya Sir ahh."
"Wag kang maingay." tumigil sa kakatanong ito.
Pagdating namin sa hotel ay pinapasok ko muna si Uno sa kwarto nito.
Nilabas ko sa aking bulsa ang phone ko at may tinawagan ako.
"Magandang umaga Sir. Nasa pilipinas na po kami."
"Mabuti kung ganon, nasa ilocos lang ako nagpapahinga kung gusto mo pumunta kayo dito."
"Sige po sir." sabi ko
Kenzie's POV
Bigla akong nakatanggap ng tawag muna kay Lenard.
"Hello?"
"Dumating na siya Kenzie. At confirmed may kasama itong bata." bigla kung sinuklay ang daliri ko sa buhok ko. "Sige keep me update bro. Wag nyong aalisin sa paningin ninyo."
"copy that bro. Basta babalitaan kita."
Pagbaba ko ng phone ko may bigla akong napansin na isang babae na dumaan sa harap ko. Sinundan ko ng tingin pero di ko na ito makita dahil nasa Restaurant kami at subrang busy dahil lunch na. Pinabayaan ko ito at lumapit sa mesa namin ni Shane.
![](https://img.wattpad.com/cover/15171039-288-k950580.jpg)
BINABASA MO ANG
BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETE
RomancePaano pag nabigyan ko na siya ng anak? Anong mangyayari sa amin? Sa akin? Paano kung natutunan ko na siyang mahalin? Pero nasa kasunduan na, Anak lang ang gusto niya. Kaya mo bang iwan ang anak mo, pati ang tatay nito na napamahal na rin sayo?