Chapter 12
Samantha's POV
Im aware na malapit na manganak si Tamara. Kaya gumawa ako ng hakbang. Nag set ako ng meeting dito sa Boracay para sa isang photoshoot. At ang company ni Kenzie ang kinuha ng production ko.
Nasa Boracay na ako ng makita ko si Kenzie, naglalakad mag isa sa dalampasigan.
"Ken.." tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito? sinusundan mo ba ako." sabi ni kenzie.
Naglakad siya at nilampasan niya ako.
"Wait kenzie, naparito ako para sa isang photoshoot." sabi ko sa kanya. Gulat ito dahil alam nyang ang Company nila ang kumailangan sa akin.
"Hindi sinabi sa akin ng secretary ko na ikaw ang kinuha nya."
"Oh so hindi niya nasabing napalitan ang Model. Ako ang ipinalit nila kahapon ko lang nalaman." sabi ko.
"Sige mauna na ako sayo."
"Wait kenzie. Hindi ba tayo maguusap man lang."
"Wala tayong dapat pagusapan." sabi nito at humarap sa akin.
"Paanong wala, Ken mahal pa rin kita."
"Mahal?? naririnig mo ba ang sarili mo Samantha? Ikaw ang umalis."
"Pero sinabi kung babalik ako. Bakit hindi ka naghintay." lumapit ako sa kanya at hinakawan ang kamay niya. Pero mabilis nitong iniwas ang braso nito.
"Dahil binigyan mo ako ng dahilan ng hindi ka hintayin. Anong masasabi mo sa mga nasulat sa article. Paano mo ipapaliwanag yun sa akin. Na ano may kasama kang ibang lalaki sa States habang ako naghihintay lang sayo dito."
"Pero Ken...."
"Oh shut up Samantha. We are over okay. At may taong naghihintay sa akin."
"Si Tamara, Hahaha kaya ba hindi ka nakapaghintay dahil hindi ko maibibigay sayo ang kailangan mo? Dahil ba sa hindi ako pweding mag kaanak."
"Mahal ko si Tamara."
"Mahal or ginagamit mo lang siya. Kenzie kilala kita, Mahilig kang manggamit ng tao." sabi ko.
"Tama na ang pag uusap na ito Samantha. Tapusin na natin ang lahat ng ugnayan natin. After ng shoot na ito wag na wag ka ng magpapakita sa akin."
Yun ang akala mo kenzie, nagsisimula palang ako. Babawiin kita kay Tamara.
Nang matapos ang Photoshoot namin. Narinig kung babalik na ng maynila si Kenzie. Kaya sinabi ko sa mga Staff ko na yayain nila si Kenzie para mag after party dahil sa successful ng photoshoot namin.
Hindi nakatanggi si Kenzie sa mga humarang sa kanya. Ganyan si Kenzie, hindi siya tumatanggi sa mga tao. Maliban sa akin.
Nasa dalampasigan kami at nagkakasayahan na kaming lahat. Nakita ko si Kenzie na tipsy na kaya nilapitan ko.
"Marami ka na atang nainom Ken." Hinawakan ko siya sa balikat.
"Ano ba Samathan baka kung anong sabihin nila sa akin."
"Ano naman kung may sabihin sila. Nagkarelasyon naman tayo dati diba, at alam nila yun."
"Matagal na yun Sam." Naglakad ito pero pasuray suray na siya kaya inalalayan ko. Pagdating namin sa kalagitnaan Hinalikan ko siya. Hindi ito tumanggi sa akin. Pero marami ng camera ang nakakuha nito.
"Ano ba Samantha, itigil mo na itong kahibangan mo dahil hindi na kita mahal." napahiya ako dahil narinig ng lahat ang sinabi ni Kenzie. Tsaka ito lumayo.
BINABASA MO ANG
BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETE
Lãng mạnPaano pag nabigyan ko na siya ng anak? Anong mangyayari sa amin? Sa akin? Paano kung natutunan ko na siyang mahalin? Pero nasa kasunduan na, Anak lang ang gusto niya. Kaya mo bang iwan ang anak mo, pati ang tatay nito na napamahal na rin sayo?
