Chapter 21 Last Chapter

20.6K 512 68
  • Dedicated kay Sa lahat ng Sumuporta ng Bear my Child
                                    

Chapter 21 Last Chapter

 

 

Tamara's POV

 

      

        Malalim na ang gabi ay nasa labas pa rin kami ni Kenzie at dinadama ang lamig ng hangin. Habang yakap yakap niya ako nakadantay ang ulo nito sa aking balikat.

 

"Alam mo bang namiss ko ang amoy mo. Hinahanap hanap ko ito gabi gabi."

 

"Amoy ko lang ba ang namiss mo? grabe ka. Ako araw araw kung pinapangarap na sana isang araw ikaw na ang mag aabot sa akin ng bulaklak pag gising ko."

 

 

"Pwede ko naman gawin yun eh. Total magpapakasal naman tayo, kahit pa oras oras mahal ko."

 

 

"Ano na nangyari sa kaibigan mong si shane?"

 

"Si Shane? okay naman siya, Nasa states na siya at doon na siya namalagi mula nong nilibing ang daddy nito. Nahuli na rin namin lahat ng mga sangkot sa mga nangyari 4 years ago."

 

 

"Ligtas na ba ang buhay natin? malayo na ba tayo sa gulo Kenzie?"

 

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

 

"Ligtas na ligtas na tayong lahat. Wag ka ng mag alala. Kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo, si Kenjie at Patrick. Aalagaan natin silang pareho sa abot ng makakaya natin. Kung gusto mo sundan na natin." sinipa ko siya sa paa at napaaray siya.

 

"Oh bakit mo yun ginawa. Babe namn ayaw mo bang sundan si Kenjie, alam ko gusto non ng baby girl." para kaming batang naghahabulan sa labas ng bahay.

 

 

"Si nanay talaga.." narinig kung sabi ni Patrick na nakatayo pala silang dalawa ni Kenjie sa tabi. Habang kami ni Kenzie ay teenager ang peg namin. Diba ang romantic.

 

 

"Dito nga kayong dalawa." sabi ni Kenzie sa dalawa.

 

 

"Naging goodboy ba kayo nong nawala ako?" tanong ni Kenzie sa dalawang bata.

 

"Oo namn po tito Kenzie." sabi ni Patrick.

 

 

"Daddy kenzie, Patrick. From now on you can call me daddy. Dahil simula ngayun dalawa na ang anak kung lalaki." tumingin si kenzie sa akin.

 

"Hindi lang isa ang binigay ng diyos sa akin kundi dalawa. At kasama ka doon Tamara. Kasama ka sa buhay na pinangarap ko nong una kitang makilala."

 

"Halika na nga Kenjie nagiging chessy na namn daddy mo. Mag melt lang tayo dito eh." napangiti ako sa tinuran ng dalawang bata.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon