Chapter 18 Battleflied

14.8K 320 26
                                    

Chapter 18

Tamara's POV

         Agad agad kaming umalis ng resort dahil na rin sa utos ni Kenzie sa amin. Wala akong alam kung anong nangyayari pero gulong gulo ang utak ko.

"Nay okay lang po ba kayo." tanong ni patrick sa akin habang nasa biyahe kami pabalik sa bayan namin. "Okay lang ako anak, sige na magpahinga ka na muna gigisingin ka nalang namin pag nasa bahay na tayo." sabi ko tsaka ako tumingin kay kevin na kanina pa nakatingin sa akin sa view mirror nito.

Wala pang isang oras ay narating na namin ang bahay. Agad kung ipinasok ang mga gamit namin. Tinulungan namn ako ni Kevin na buhatin si patpat para ipasok sa loob ng kwarto nito.

"Salamat Kevin." sabi ko pagkababa nito kay Patrick sa kama. Lumabas kaming dalawa ni Kevin at nagpunta sa baba.

Bigla kaming natahimik na dalawa ni Kevin. Hindi ko mahihintay na magsabi si Kevin.

"Anong nangyayari Kevin. Alam kung may alam ka sa nangyayari. Care to tell me para hindi ako nag aalala."

"Mas maganda sigurong hintayin natin si Kenzie na ang magsabi sayo. Ayaw ko siyang pangunahan ngayun. Dahil alam kung mas may karapatan siya."

"Fck that Kevin. What are you guys trying to hide from me. Bakit nandoon ang kuya ko. Bakit nandoon si Kenzie? Ano ba talaga ang nangyayari, Kevin gulong gulo na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Nahanap na nila si Kenjie." biglang nagpalit ang expression ko sa sinabi ni Kevin.

"Anong sinabi mo? Pakiulit nga Kevin." Pero hindi ito nagsalita. Tumahimik lang ito.

"Kevin tinatanong kita."

"Nahanap na nila si Kenjie, ang anak ninyo ni Kenzie." bigla akong napaupo sa upuan. Habang namumuo na ng luha ang mga mata ko.

Lumuhod sa harap ko si Kevin. "Tamara tatagan mo ang sarili mo. Malalampasan din natin ito. Mahahanap at mahahanap rin natin si Kenjie."

"Nakita ko na siya kanina. Nahawakan ko na siya. Nahaplos ko na ang mukha nito."

"Kailangan kung hanapin ang anak ko." Tumayo ako at palabas ng pinto.

"Tamara... Please wag ngayun." Niyakap ako ni Kevin at hindi ako pinakawalan. Hinayaan nya akong pumasok sa loob ng kwarto ko para magpahinga. Pero hindi namn ako makatulog.

Kenzie's POV

         Matagal akong nakatayo habang pinagmamasdan ang dagat. Matagal akong nag iisip kung paano namin mababawi si Kenjie sa mga kamay ng sindikato.

"Pare...wag tayong mawalan ng pag-asa. Makikita rin natin si Kenjie."

"Alam mo bang kamukhang kamukha ko siya. Ang laki laki na niya Leanard.  Gwapo gwapo niya." tuwang tuwa kung sabi sa kanya. proud akong sabihin na anak ko iyon. Lumaki siyang malakas at palaban.

"Wag kang mag alala, nakatimbre na sila sa pulis sa buong ilocos. Ang gagawin nalang natin ay maghintay sa signal ng iba para sumugod. Nasa kamay nila ang anak mo. Kaya ginagawa natin ito ng sigurado at walang bolilyaso."

Wala pang 24hours ay nagbigay na ng signal ang lahat. Alam na nila kung saan sila nagtatago. Paglabas ko ng hotel at nabigla ako sa napagbuksan ko ng pinto.

"Tamara..anong ginagawa mo dito."

"Gusto kung sumama sa inyo. Gusto kung makita ang anak ko."

"Tamara, delikado hindi ka pweding sumama." sabi ko kay Tamara. Pero bigla nalang itong lumuhod.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon