Chapter 2 THE CONTRACT

18.6K 407 31
                                    

wow Dahil sa maganda ang feedback ng naunang chapter ito po ang regalo ko sa inyo Chapter 2... sana po magustuhan ninyo.. If gusto po ninyong magpadedicate message nyo lang po ako..SALAMAT po ulit. ENJOY...

CHAPTER 2 THE CONTRACT

 

     Kenzie Ferreira Isa akong negosyante, mayaman at higit sa lahat gwapo.

     Hindi naman talaga kasi ako nagpapakamatay, i was just looking for my short. Kasi nong tumilapon ako kanina sa jet ski nahubaran ako. Laki kasi ng muscle ko eh.

     May dumating na pakialamerang babae, Akala niya siguro magpapakalunod ako. Eh siya pala itong di marunogn lumangoy. Mabuti nalang nahanap ko agad yung short ko, kundi patay itong babae. Pumunta ako sa kanya. Pero pagdating ko sa kinaroonan niya hanggang dibdib lang ang tubig. Napabuntong hininga nalang ako.

Binuhat ko yung babae at dinala sa pang-pang. Nagpumiglas pa ito, pagtayo nito sinumbatan ba  naman ako. Pero na pa wow ako. Ang ganda niya.

Pinagmamasdan ko lang siya habang dumadaldal. Hindi naman talaga kasi ako nagpapakamatay.

"LORD PLEASE BUHUSAN MO AKO NG KAHIT KUNTING PERA LANG. LAHAT GAGAWIN KO KAHIT ANO PANG IPAGAWA MO SA AKIN." narinig kung sabi nito. Biglang pumasok sa isip ko yung napagusapan namin kanina ng Lawyer ko.

Flashbacks

"So anong mangyayari?  Kukunin ng bangko lahat ng mga pinaghirapan ko?" Gusto kasi ng iba, paano daw kung mawala ako. Marami pa namang banta sa akin gayng ako ang nakakuha ng pinakamalaking kita ng taon sa bansa. Sa lahat ng resort, hotels at mga store na pinatayo ko. Lahat daw iyon mapupunta sa mga bangko, kung wala akong mapagbibigyan nito.

 

Namatay ang daddy ko 5 years ago sa sakit na cancer. Ang mommy ko hindi ko alam kung nasaan ito. Bata palang ako hindi ko na siya kinagisnan, ang kasama ko nalang ay ang Lolo at lola ko na parehong nasa America. May mga pinsan ako, pero hindi ko sina pinagkakatiwalaan. Wala rin naman akong kapatid na pwede kung pag iwanan.

 

"We have better solution for this Mr. Ferreira. Kailangan mo ng anak sa lalong madaling panahon, Hindi natin alam kung anong kayang gawin ng mga kakompetensiya mo sa negosyo. Halang ang mga bituka ng mga yan pagdating sa negosyo." napaisip naman ako sa sinabi niya. Pero ayaw ko pang magpakasal. I wasnt the marrying kind person. Mas gusto ko pang mag trabaho at mag ipon ng maraming pera. Siguro may ibang paraan pa para magkaanak ako ng walang sabit.

 

Flashback ends.

Nang marinig ko ang sigaw nito ay bumalik ako at tumayo sa harap nito.

"Kailangan mo ng pera?" tanong ko sa kanya. Umangat ang mukha nito. Parang gusto ko tuloy umatras sa pinaplano ko. Napakaamo kasi ng mukha nito. Pero kailangan ko talaga ito.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon