Chapter 7 Sleeping Together

17.4K 353 12
                                    

2 more days before my vacation ends and hopefully makapagupdate pa rin ako kahit 1 chapter a day. Asahan nyong 2 chapter pa rin in 2 days bago matapos ang vacay ko. Thank you po ulit sa support ninyo.. Sana nagugustuhan nyo naman ang story ni Tamara at Kenzie.... 

HAPPY READING.. don't forget you VOTE AND COMMENT salamat Hugs

Chapter 7

Tamara's POV

          Dumating kami sa resthouse nila sa Tagaytagay, walang pinagkaiba ang malaking bahay nila sa Cebu at pati na sa maynila. Iba talaga pag mayaman.

     "Mag-oovernight lang tayo, nandito sa likod ng kotse ang gamit mo, pinahanda ko kay Manang kanina bago tayo umalis."

"Wow pinaghandaan mo ba itong trip na ito." tanong ko sa kanya, habang binababa nito ang mga gamit namin. Nang makita ko yung mga gamit ko parang hindi pang isang araw lang.

     "Oh akala ko ba overnight lang tayo, bakit parang buong cabinet ko ata ang kinuha mo?"

"Sisihin mo si manang, wag ako. Ang sabi ko sa kanya overnight lang tayo, pero kung gusto mo eh magbakasyon muna ako para maalagaan kita. Kayo ng baby." nahiya naman ako bigla. Ang laki laki ko na alagain pa rin ako. Pero sympre dalawa naman kaming aalagaan niya, diba kilig. hahahaha

     "Umakyat ka na muna sa kwarto magpapahain ako sa maid sa baba." wow pati ba naman dito may maid siya. Di ba pweding ako nalang magluto.

"Ah Ken, pwede ako nalang magluto." tumingin siya sa akin.

"Magpahinga ka nalang kaya."

"Pero gusto kung magluto, gusto ko kasi yung may ginagawa ako."

"Okay sige, sabihin mo kay Molly sa baba kung ano ang mga kailangan mo." sabi nito tsaka siya pumasok sa loob ng kwarto niya. Sympre hiwalay ang kwarto.

Kenzie's POV

     Minabuti ko kasing dalhin dito sa Resthouse ko pansamantala lang naman dahil tumawag si Benji kanina sa akin at may dumadating daw na mga death threats sa opisina. Kaya ipinagbigay alam ko na ito kay General Isagani para bigyan kami ng protection lalong lalo na ang Ina ng anak ko.

     Pagkatapos kung maligo ay bumaba ako para tignan kung okay ba si Tamara sa kusina. Pagpasok ko palang sa kusina nakita ko itong abala sa pagluluto. Lumapit ako sa kanya.

"Oh nanjan ka na pala, hindi pa kasi ready itong niluluto ko. Pero kunti nalang patapos na rin ako." sabi nito sa akin at tinitignan ko kung ano ang niluluto nito. Mukha namang masarap kasi nakahalo na ang Potato at Carrot.

     "Kailangan mo ba ang tulong ko." pagpreresenta ko sa sarili ko.

"No okay lang..Ako na bahala jan, umupo ka  nalang jan kung gusto mo akong bantayan." sabi nito sa akin at ginawa ko naman ang sinabi nito. Umupo ako at nakatingin lang sa kanya.

"Siguraduhin mong masarap yan baka mamaya..."

"Wag kang mag alala, nagpractice na kaya ako nito. Tsaka kuhang kuha ko na lasa ng afritada ng mommy ko." sabi nito pero natahimik siya bigla sa pagluluto.

     Nilapitan ko siya at niyakap. "Wag munang isipin iyon. Basta ang mahalaga masaya na ang mommy mo. At alam kung masaya rin siya para sayo." saan ko kaya nahugot yung salitang iyon.

"Hindi naman ako umiiyak ah. Nalulungkot lang ako dahil baka hindi mo magustuhan ang lasa nito.." napabitaw ako sa kanya.

"Alam mo hindi ko alam kung may sayad ka minsan or pinagluluko mo ako." tumawa naman ito. Pati ako napangiti.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon