Chapter 10 Make her Happy

15.7K 331 14
                                    

Chapter 10 Make her Happy

Tamara's POV

        Sa nagdaan na araw hindi ko makalimutan ang pagkikita namin ni Warren, hindi ko kasi siya inaasahan na makikita ko siyang muli mula nong iniwan niya ako. At hindi ko rin inasahan na sa ganitong sitwasyon pa kami magkikita.

Pababa na sana na ako ng makita ko si Kenzie palapit sa pinto ko.

"Okay ka lang ba? kamusta si baby hindi ka ba niya pinahihirapan?" tanong nito sa akin tsaka nito hinawakan ang tiyan ko.

"Hindi naman masyado, medyo malakas lang talaga siya sumipa. Lalaki kasi kaya ganon." Ngumiti lang si Kenzie sa akin.

"Halika bumaba na tayo para makapagbreakfast." sabi nito. Inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Hanggang nasa hapagkainan na kami.

"Ah siya nga pala. Pupunta tayo sa Batangas para bisitahin ang Lolo at lola. Para makilala na rin nila itong magiging anak natin." ngumiti ako sa kanya nong banggitin niya ang NATIN. Ayaw ko sanang pansinin pero parang natusok ng matalim na bagay ang puso ko. Ilang buwan nalang kasi manganganak na ako.

"Bakit kailangan pang ipakilala, eh pag kapanganak naman diba anim na buwan lang naman ako mag stay dito." Lumapit siya sa akin.

"Gusto kung makilala nila ang mommy nito. Diba mas maganda naman yun." hindi man iparamdam ni Kenzie pero parang nararamdaman ko.

Malapit na kami sa batangas ng hawakan niya ang kamay ko.

"Wag kang mag alala, hindi naman masusungit ang lolo at lola ko." naramdaman niya siguro na medyo kinakabahan ako. Huminto kami sa isang malaking gate. Pinapasok kami ng Guard at tuloy tuloy itong nagdrive. Nakita ko kung gaano kaganda ang mansion ng lolo at lola nito.

Nagpark si Kenzie sa gilid ng bahay. Bumaba na ito at inalalayan ako sa pag baba sa kotse. Nakita ko naman na naghihintay na pala ang Lolo at Lola nito sa may pinto ng mansion.

"Relax." bulong nito sa akin. Tumango naman ako. Hinawakan ako ni Kenzie sa bewang upang hindi ako matumba. Palapit na kami ng humalik sa pisngi ang lola nito at niyakap.

"I miss you hijo ang tagal tagal mo namang dumalaw. At sino itong magandang dala mo?" tanong ng lola nito.

"La, lo this is Tamara my wife." napatingin ako kay Kenzie. Wala sa usapan yun ah. "Your wife?"

"Opo lolo." nagkatinginan ang dalawang matanda sa amin.

"At buntis siya?" tanong naman ng lola nito. Tumango lang naman  si Kenzie sa lolo at lola niya.

Isang minuto silang natahimik, na mas lalo ako kinabahan. Pero biglang lumapit ang lola nito at niyakap ako.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon