Chapter 6 Jealous

17.9K 358 14
                                    

Chapter 6 Jealous

Tamara's POV

     Grabe ganito pala ang magbuntis tudo alaga ang daddy ng bata sa akin. Pati pagbaba ng hagdan di alalay ito. Kulang nalang buhatin ako pababa. Eh 1 month palang naman.

     Habang kumakain kaming dalawa ni Kenzie panay ang tanong nito kung ano daw gagawin ko ngayun.

     "Gusto mo bang lumabas tayo, para maaliw ka naman, hindi yung nandito ka lang sa loob ng bahay. Total sunday naman today mamasyal nalang tayo." sabi ni Kenzie habang kumakain ito. "What do you think?"

"Okay lang sa akin. Mabuti rin ito naglalabas labas ako ng bahay."

"Okay sige, pero before that magsisimba muna tayo. Manang Coffee ko."

"Ako na." sabi ko sa kanya. Nagpunta ako sa kusina at pinagtimpla ng kape si Kenzie. "Ma'am kunting kunti na sugar lang po ang ilagay ninyo. Di po mahilig mag sugar si Sir eh." sabi ni manang sa akin.

"Ganon po ba." tumango naman ito.

     Pagbalik ko sa upuan ko binigay ko kaagad kay Kenzie ang kape nito. Tinignan ko pa siyang humigop, bago ko tinuloy ang pagkain ko.

     Nasa labas na ako naghihintay kay Kenzie pero hindi pa rin ito bumababa. Papasok na sana ulit ako nong bumukas ang pinto at lumabas si Kenzie. WOW

     Paano ba naman kasi nakasuot ito ng Maong na pants, tapos naka blue checkered shirt. Naka sun glasses pa ito. Hanep sa porma mo tsong ah. Summer na summer ang feeling niya.

"Lets go." inalalayan niya ako sa pagpasok sa loob ng kotse. Habang nagmamaneho ito panay pa rin ang sulyap ko sa kanya. Gwapo talaga nitong taong ito. Kung wala lang talaga sa contrata ang mainlove the first time na nakita ko siya sasabihing kung crush ko talaga siya.

Pero sorry nalang, nasa contract number 4 *Don't you dare fall in love with me* nanood siguro ito ng BRIDE FOR RENT. kaya ito ako ngayun. BABY MAKER FOR RENT.. kaloka.

"Why you looking at me. May dumi ba ako sa mukha." sabi nito.

"Ahh wala naman, nakakapanibago lang kasi, ngayun lang kita nakitang nakaporma ba. Kasi lagi kang nakasuot ng Formal, kaya nanibago ako."

"HAhaha.. Kala ko naman may dumi na ako sa mukha." tumatawa pa ito.

"Nandito na tayo, bumaba ka na muna hahanap ako ng parking lot." sabi nito. Bumaba ako malapit na sa simbahan.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon