Yaz feel be like
Si Maxrill sa kanyang motor nagawa akong paangkasin,
Napakapit ako sa kanya, sa pagmamaneho s'ya'y matulin,
Pagkarating ko sa ospital si Maxwell masungit na naman sa akin,
Sa loob ng elevator ayaw lang naman n'ya ko papasukin.Nagbago na naman ang pakikitungo n'ya sa akin,
Natataranta ako, kapag s'ya'y sa akin nakatingin,
Ang ilan na naroon sa OR ay nagtataka na rin sa amin,
Nang kaming dalawa na lang, nagawa n'ya akong kausapin.Sa kanyang mga sinabi ako ay sadyang nasaktan,
Dapat sanay na ko na ganito n'ya ko pagsalitaan,
Parang wala lang sa kanya ang aking nararamdaman,
Dapat ko na siguro tanggapin na pagtingin ko ay di n'ya masusuklian.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...