Yaz feel be like
May tumawag sa pangalan ko,
Kaya naman napalingon ako,
Iniwan ko ang dapat na gagawin,
At nilapitan ang tumawag sa akin.Kinuha ko ang mga bitbit nito,
Halata sa akin ang pagkalito,
Nag-iisip kung sino ang nagpadala,
Habang nakaduty madalas akong tulala.Panay titig ko sa bulaklak na ibinigay,
Sa card from: Mr. Best ang nakalagay,
'Di ko maiwasan na isipin na s'ya,
Ngunit malabo dahil hindi ako ang gusto n'ya.Panay ang tanong sa akin ng kaibigan ko,
Kung may naisip na raw ba ako,
Sa kaibigan kong ito nakuwento ko s'ya,
Sabi ko rito malabo dahil hindi naman ako ang gusto n'ya.PS : ang screenshot ay nakita ko lang at hindi akin, kasi noon kapag nag-uupdate si Miss Max (noong hindi pa unpublished) ang ibang readers ay spoilers din at natutuwa roon sa scenes.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesíaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...