KAHIT

455 9 0
                                    

Yaz feel be like

Tayo ay minsan nilang tinutukso,
Alam nilang ika'y nilalaman nitong aking puso,
Kahit sa iyo madalas na kong naiinis,
'Di pa rin kita matiis parati kitang namimiss.

Kapag ika'y kaharap bumabagal aking mundo,
Kahit pa na ika'y isang antipatiko't suplado,
Taon na rin akong matiyagang naghihintay,
Ngayon lang ako ulit nagmahal ng tunay.

Mahihirapan siguro ako na ika'y kalimutan,
Kahit pa sa atin walang malinaw na namamagitan,
Simula't sapul ako lang ang assumera at papansin,
Sana naman 'wag mong paglaruan aking damdamin.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon