Maxrill feel be like
Magkaibigan ang mga kapatid namin,
Hanggang sa mapalapit na rin s'ya sa amin,
Ako ay naging malapit ang loob sa kanya,
Ako ang laging kasa-kasama n'ya.Hanggang sa may umusbong sa aking damdamin,
Damdamin na imposible n'yang mapansin,
Dahil iba ang nagugustuhan n'ya,
At iyon ay walang iba kundi ang aking kuya.Isang araw akin na lamang namalayan,
S'ya'y akin na pa lang nagugustuhan,
Umaasa na kanya ring lingunin,
Makita n'ya na ako ay nandito rin.Yaz na lamang ang tawag ko sa kanya,
Iba na ko sa Maxrill na nakilala n'ya,
Isa na kong binata na may nagugustuhan,
At iyon ang nais kong kanyang maramdaman.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesiaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...