Yaz feel be like
Masaya ang naging kasal,
Nina Dein at Randall,
Humiling ito sa kanya,
Na isayaw n'ya si Keziah.Pinagbigyan naman n'ya ito,
Hanggang sa hinatid na sa kinauupuan nito,
Bumalik na s'ya sa kinauupuan n'ya,
Dito sa tabi ko, tinalikuran ko s'ya.Si Maxrill tinatanong ko ano gusto,
Sagot sa akin maalat ang pagkain dito,
Hindi ko inaasahan ang sinabi n'ya,
Tapusin ko ang pagkain at sa pagsayaw ay nag-aaya.Medyo natigilan naman ako,
Si Maxrill ay dinilaan pa ko,
Nilingon ko naman s'ya,
Kung ako ba ang talagang inaaya n'ya.Mabilis s'yang umoo sa akin,
Habang nakatingin sa kanyang pagkain,
Nilalaro n'ya ang dahon na nasa plato,
Tapos tumayo na s'ya, bigay ko raw sa kanya ang kamay ko.Inakay n'ya na ko sa may gitna,
At kaming dalawa ay nagsayaw na,
Si Maxpein tinatanong ng kaibigan namin,
Kung itong kuya n'ya ay may gusto sa akin.Mabilis na wala ang naging sagot n'ya,
Kapag umoo kasi raw s'ya,
S'ya ang kanilang kukulitin,
Sabi pa ni Pein kuya n'ya ay kinakabahan din.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesiaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...