Maxrill feel be like
Abala ka palagi at sa kanya lamang nakatingin,
Kaya hindi mo ko nagagawa pang mapansin,
Parati ka pang nakasunod saan man magpunta ito,
Kaya 'di mo ramdam mayroon isa rito na sa 'yo'y nagkakagusto.Bakit 'di mo malingon ang tulad ko na naghihintay sa 'yo,
'Di ka pa ba pagod sa kanya na pilit ka naman pinapalayo,
Nagpapahiwatig na ko na 'di na kita iginagalang bilang ate,
Dahil itinuturing at iginagalang na kita bilang isang babae.Kung pinapalayo ka na n'ya, pakiusap ika'y sumuko na,
Nandito naman ako at handa kang saluhin tuwina,
Manhid ka na ba, at mahina na kung makaramdam,
"Gusto kita" noon pa hindi mo ba talaga alam.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesiaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...