Maxrill feel be like
Sinundo ko s'ya,
Sa tinutuluyan n'ya,
Sa pagmamaneho ay tahimik ako,
Sa ospital s'ya'y sinamahan ko.Niyakap ako ni kuya,
Sa amin dalawa nakikinig lang s'ya,
Batid ko naiilang s'ya sa akin,
Pagkatapos ng napag-usapan namin.Naglakad-lakad kami sa labas,
Hanggang sa nag-usap kami ni Yaz,
Tinatanong kung mayroon na ba kong nagugustuhan,
Sinagot ko naman s'ya binabalak ko na rin ito ligawan.Seryoso lang s'yang nakikinig sa akin,
Alam ko s'ya'y nalilito na rin,
Sa akin ay naguguluhan pa rin s'ya,
Hindi pa n'ya makita nadarama ko sa kanya.Kumain kami kasama ang kuya ko,
Iniwan ko sila at lumabas muna ako,
Kumakanta ako nang makita ko s'ya,
Ako ay pinakikinggan lang n'ya.Akala n'ya naistorbo n'ya ko,
Lalakad na s'ya nang kumanta ulit ako,
Sa kinakanta ko ay napahinto s'ya,
Hanggang sa ako ay nilingon na n'ya.Kinakanta ko ay kantang "Ligaya",
Tinapos ko ito habang nakatingin sa kanya,
Sa kinatatayuan s'ya'y tila napako,
Hanggang sa s'ya'y hinalikan ko.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...