Maxwell feel be like
Tayong dalawa ay pinagtagpo,
Pero ikaw ay sinaktan ko,
Sa akin tuluyan ka nang sumuko,
Hanggang sa ikaw ay kusa nang lumayo.Sa ating muling pagkikita,
May kislap pa kaya ang iyong mata,
O sa akin ba'y iiwas ka,
Bagay na hindi ko na ipagtataka.Ngalan ko'y hindi mo na bukambibig,
Sa tuwing magkakausap wala ng kilig,
Kung dati rati alam mo ang aking mga hilig,
Ngayon ngalan ko ay ayaw mo nang naririnig.Nais kong hilingin na ako na lang sana ulit,
Gagawin ko lahat kahit sarili ko'y ipilit,
Tatanggapin ko ang lahat ng iyong galit,
Huwag mo lang sabihin na meron na kong kapalit.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesíaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...