Nabasa at nasubaybayan ko ito mula nang magsimula,
Ilang eksena ay aking naaalala,
Kaya isinusulat ko ito ng patula,
Dahil tulad ng He's Into Her n'ya, rito rin ako'y dalang-dala.Mahal ko ang kanyang mga kuwento,
Ganoon kalakas sa akin ang epekto,
Wala kong kopya ng kuwentong ito,
Naaalala ko lang talaga mga eksena rito.Namimiss ko na kasi sila,
Nakita ko ang mga gawa nila,
Tulad ko, kanila ring naaalala,
Ang ilang mga screenshot na ipopost ko ay galing sa kanila.Mga tumatak na eksena at linya,
Na talagang magpapagulo ng isipan n'ya,
Sino nga ba ang tunay na laan para sa kanya?
Del Valleng bunso nga ba o ang kuya?Maghihintay pa rin ako sa pagbabalik nito,
Bukod sa He's into Her, ito pa ang isa kong paborito,
Dahil ang mga kapatid ng hambog ay nandito,
Halong halo damdamin din hatid nitong kuwento."Love without limits" ang pamagat ng kuwento,
At si Maxine Lat ang sumulat nito,
Dati nang na unpublished ito,
Kumbaga ay pangalawang beses na 'to.Hindi biro ang pagbuo ng isang kuwento,
Kaya naman nauunawaan ko ang sumulat nito,
Umaasa ako na maibabalik pa n'ya ito,
Magkakapatid na Del Valle mga tauhan n'ya na aking paborito.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...