Maxwell feel be like
Ano ba nangyayari sa kanya?
Panay ang pang-aasar n'ya,
Bitter ang sinasabi sa akin,
Nalaman n'ya nagkagusto ko kay Dein.Baka raw si Keziah daw gusto ko,
Tumatahimik na lang ako,
Huwag ko raw kalimutan ate rin s'ya,
Ano ba pinagsasasabi n'ya?Sabi ko makapal apog n'ya,
Talaga raw dahil maganda s'ya,
Si Pein ay nakatingin pala sa amin,
Gusto ko ba raw tanong pa sa akin.Hindi ang sagot ko sa kanya,
Akala ko si Yaz ang tinatanong n'ya,
Inaalok pala n'ya ko,
Nang kinakain n'yang stik-o.Papunta na ko sa kuwarto ko,
Nandito na naman s'ya kinukulit na naman ako,
Sabi ko doon na lang sa wheel chair n'ya,
Pintuan ay sinipa n'ya tapos pumasok s'ya.Bakit kasi nagwhewheel pa s'ya,
Ang maglakad ay kaya na n'ya,
Sumasakit pa daw minsan,
Inalok na n'ya ko ng ponkan.Sabi ko sa kanya ay ayoko,
Kasi maasim bitter daw ba gusto ko,
Nang aasar na naman s'ya,
Pero ako pinagbalat n'ya.Tama s'ya matamis na 'to,
Kumain kami at nanood na lang dito,
Sa kuwarto ko ay nagstay s'ya,
Ako ay sinamahan n'ya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoezjaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...