Nakakamiss si Maxwell na masungit,
At si Yaz na magaling magdala ng damit,
Nakakamiss din ang dating Maxrill,
Nasa pagkain walang makakapigil.Nakakamiss ang Del Valle Brothers,
Na may pinaka astig na sister,
Na Maxpein Zin ang pangalan n'ya,
Na mayroon na ngayong sariling pamilya.Maghihintay pa rin ako sa pagbabalik nito,
Hanggang si Yaz tuluyang maging pusong lito,
Kikilalanin ko muna ang buong Del Valle Moon,
Sa "M" na bagong story n'ya kung saan naroon si Spaun.Naniniwala ako na mababasa kita ulit,
Kaya kay author ay hindi mangungulit,
Ikasampu nitong kabanata ay aking hihintayin,
"Love without limits" ano nga ba ang ibig sabihin?
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoésieAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...