Yaz feel be like
Sa 'yo labis yata akong tinamaan,
Simula nang araw ika'y aking hinangaan,
Napapahanga ako sa 'yong katalinuhan,
Kahit pa na ako'y iyong sinusupladuhan.Natatawa na lang ako, pag ako'y iyong sinusungitan,
Bawat kilos mo ay di ko agad magawang kalimutan,
Kahit kapag nakikita mo ko, ako'y iyong sinisimangutan,
Sa puso at isip ko ay mahihirapan akong ika'y palitan.Ako'y sobrang tinamaan na sa 'yo,
Kahit madalas tayong dalawa magkalayo,
Hindi ko rin alam kung magiging tayo,
Hanggat ramdam kong may pag-asa di ako lalayo.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesiaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...