ISANG NGITI LANG

252 2 0
                                    

Maxrill feel be like

Aking malinaw na nakikita,
Ang pagtataka sa kanyang mga mata,
Oo, hinding hindi ko na,
S'ya tinuturing na aking noona.

Ako ay si Maxrill,
Na noon sa pagkain ay hindi mapigil,
Sa kakulitan ko sila'y nanggigigil,
Nang makilala s'ya, mundo ko ay tumigil.

Ayoko nakikita s'yang malungkot,
Kahit humadlang sila hindi ako natatakot,
Aking nararamdaman ay naghihintay ng sagot,
Isang ngiti lang n'ya nawawala aking pagkabagot. 

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon