Yaz feel be like
Sa iyong sinabi ay nasaktan ako ng labis,
Ang 'di kita makita ay 'di ko rin matiis,
Tumamlay ako nang makitang magkasama kayo,
Puso ko naghihimutok tila binabayo.Ewan ko, hindi ko rin malaman,
Kung nananadya ka ba na maupo sa aking harapan,
Aking mga mata pilit iniiwas ng tingin,
Mga titig mo ay 'di ko kayang salubungin.Sinisikap kong kumilos nang pormal,
Kahit na 'di ko alam kung hanggang kelan ako makakatagal,
Ating mga kasama masayang nagkukuwentuhan,
Nasasaktan ako nang si Keziah ay iyong ngitian.May kumalabit sa akin kaya ako napatingin,
Si Hee-yong pala ay narito at 'di ko agad napansin,
Nagsalita si Maxrill lahat kami sa kanya napabaling,
Nagbubulungan ang iba dahil ang lakas ng kanyang dating.Ngunit sa pagitan ninyong dalawa ay nag-iba ang ihip ng hangin,
Iba ang tono ng iyong boses kung s'ya ang iyong kakausapin,
Sa inyong mga inaasta ngayong gabi ako'y nalilito,
Batid ko na hindi lang ako ang nakapansin dito.Aking isip ay pareho ninyong ginugulo,
Parang gusto ninyo mayroon sa inyong dalawa manalo,
Isa't isa ba ay tinuturing ninyong kakompetensya,
Dahil ang pag-uusap at tinginan ninyo ay di ko na kinakaya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...