Maxrill feel be like
Hindi ko na matandaan,
Kelan nga ba kita hinangaan,
Basta damdamin ko sa 'yo ay magaan.Kapatid ka ng kaibigan ng aking kapatid,
Iyong mga ngiti, para sa 'kin saya ang hatid,
Nadarama ko para sa 'yo ay 'di mo batid.Tinatawag kita noong "noona",
Subalit ngayon ay hindi na,
Hanap hanap na nga kita tuwina.Araw-araw kitang haharanahin,
Kantang nais mo, sa akin iyong sabihin,
Damdaming laan ko para sa 'yo, iyo sanang intindihin.Noon tayong dalawa ay malimit magkalaro,
Pero isang araw puso kong ito ay nakaranas ng pagkatuliro,
Sa pag-ibig puso o isip ba ang s'yang magtuturo.Nagkaroon ng pagkakataon mahagkan ka sa pisngi,
Sana ramdam mo; puso ko ikaw ang s'yang tinatangi,
Mahal na kita noon pa at iyon ay hindi ko na itinatanggi.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoezjaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...