Maxrill feel be like
Ang pag-ibig ba ay may katumbas na numero,
Puso o isip, ano nga ba ang nagtuturo,
Sa buhay mayroon natatalo at nananalo,
Ang tanging hiling ko na sana maging tayo sa dulo.Kahit na alam ko na noon pa naman s'ya ang nananaig,
Dahil sa kanya mo, inilalaan ang oras mo at pag-ibig,
Kung pagmamasdan nga parang s'ya na ang iyong daigdig,
Pero sa paggalang at nadarama ko sa 'yo walang makakadaig.Ramdam ko naman na nahihirapan ka sa 'kin maniwala,
Na naninibago ka sa 'kin dahil iba na ko sa iyong nakilala,
Gagawin ko ang lahat, 'wag lang lumuha ang iyong mga mata,
'Di ko alam kung kelan nagsimula, pero ngayon iniibig na kita.Agwat natin ay hindi na kailangan pang bilangin,
Dahil kung puso't damdamin ko ang tatanungin.
Ikaw lang tangi nag-iisa nitong sasagutin,
At pag-ibig mo ang nag-iisang inaasam nitong abutin.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesiaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...