Yaz feel be like
Si Naih panay ang usisa sa akin,
Kay Maxrill daw ba ay wala akong napapansin,
Sa totoo lang ayoko na ngang pakaisipin,
Itong kapatid ko talaga ay matanong din.Sa pagpasok ko sa ospital nagbago ang ihip ng hangin,
Si Maxwell sa performance ko nagawa kong purihin,
Pati sa loob ng elevator, ako'y nagawang pasabayin,
Maging sa pag-uwi ay naisipan akong tanungin.Inihatid pa n'ya ko sa tapat ng aking sasakyan,
Sa party sa kanilang bahay ako'y inanyayahan,
Malapit na pala s'yang magtungo sa Palawan,
Medyo nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan.Araw na ng kanyang party, nahuli ako nang dating,
Tingin ng mga bisita n'ya sa akin napabaling,
Sa sarili kong inasta nais kong mapailing,
Binati ako ni Pein kaya sa kanya ako bumaling.Pinuri n'ya ang aking kasuotan,
Lumitaw daw lalo aking kagandahan,
Kaya s'ya ay matamis kong nginitian,
Pumasok na s'ya, matapos naming magkamustahan.Si Maxwell ngayong gabi ay iba ang inaakto,
Hindi ko alam na ganito pala s'ya kaistrikto,
Sa kanyang mga sinasabi, ako'y napapahinto,
Ayaw ko sana bigyan ng ibang kahulugan ang mga ito.Ito na naman sila ni Maxrill parang nagtatalo,
Hirit naman ni Maxwell s'ya na raw ang panalo,
Sa kanilang ginagawa para na kong mahihilo,
Salamat si Maxpein dumating tila ako'y sinaklolo.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...