Yaz feel be like
'Di ko mawari kung bakit ako kinabahan bigla,
Baka sa susunod na maririnig aking ilusyon ay mawala,
Kaba at pangamba sa aking dibdib ay kumakawala."I want you, at hindi I want us" ang kanyang binulalas,
Sa aking mga mata may luhang pilit na tumatakas,
Sa kanyang susunod na sasabihin, kailangan kong maging malakas.Ano na lang sasabihin sa akin ng aking pamilya,
Kung sa sarili ko at sa iba labis na aking pagkapahiya,
Marahil sa aking mga nagawa sila'y madidismaya.S'ya ang lalaking aking pinagkakatiwalaan,
Isip ko at puso't damdamin sa kanya lamang inilaan,
Sa susunod na mangyayari, nangangamba ko na muling maging isang luhaan.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesíaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...