Chapter 23

129K 2.6K 520
                                    

Author's Note :

Do'n sa mga unang nakabasa nitong chapter, may mga nabago sa last scene. Konti lang naman kaya okay lang din kahit hindi niyo na basahin.

.•*•.

"Good morning..." Nagising ako sa masarap na amoy ng pagkain.

Agad siyang ngumiti nang makita ko. "Magandang umaga. Kumain ka na."

Magkaharap kaming umupo at kumain. "Ang sarap naman ito, Kuya Icio!"

"Matututo ka talaga kapag mag-isa ka lang sa bahay."

Kung sa bagay. Ako rin natutong magluto kasi kapag nagsawa ka na kaka-order sa restaurant, hahanap hanapin mo ang lutong bahay.

Four years ago, umalis kami ni kuya papuntang Dubai. Do'n kami nanirahan hanggang matapos ang school year which was almost 10 months. Natapos narin ang kontrata ni kuya Icio kaya bumalik na kami ng Pilipinas.

I enrolled into another school. The farther from my old school, the better. Tinulungan kami ni Kuya Randell sa aking mga school credential kaya hindi ko na kailangang bumalik sa lugar kung sa'n ko naranasan ang sakit at pagkabigo.

Sa Davao ako nag-shift at nagtapos ng kolehiyo sa kursong BS-Creative Writing.

Weeks after I graduated, Kuya Icio worked abroad again. This time, in Canada. Umalis siya matapos akong makahanap ng trabaho. Ayaw pa 'kong iwanan ni Kuya at tinangkang tanggihan ang trabaho pero nakumbinse ko siya na kaya ko na. Being Senior Engineer was a good opportunity to let go.

He went states and I went back to Manila.

We haven't talk that much about my scandals. It was a sensitive topic alright but I knew that Kuya was respecting and being considerate of my feelings.

That topic became a taboo. Not a single word has spoken about that.

However, naging mahigpit si kuya sa'kin. Laging tumatawag at nagtatanong. Ang akala ko ako ang nagmana kay papa pero pagdating sa paghihigpit, gayang gaya niya ito. Ang layu layo niya na nga pero parang laging katabi ng aking tenga.

Now that he's here for good, I was pretty sure that his strictness would be ten times more.

"Did you have any boyfriends while I was away?"

Napatigil ako sa pagta-type sa laptop nang marinig ko ang kanyang tanong. Tapos na kaming kumain at napag pasyahan kong dito muna sa bahay magtrabaho habang nanonood siya ng TV. He was sitting on one seater sofa on my right while I sat on the floor with my laptop set up on the center table.

"Ano bang tanong 'yan k-kuya?" I stuttered while awkwardly smiling without looking at him.

Ramdam ko ang tingin nito sa gilid ko. "MaiMai..."

He sternly called my name and I shut my eyes. Pagdilat ko at agad akong tumingin sa kanya. He's looking at me, waiting for my answer.

Gusto kong magsinungaling sa kanya pero di ko na kaya. Kung dati, parang kasing dali lang ng paghinga ang pagsisinungaling, ngayon ay parang sinasakal ako ng konsensya lalo na't ang aking kausap ay si kuya Icio.

I looked away before nodding. "I-isa lang."

"Humarap ka sa'kin, MaiMai. Bakit hindi mo sinabi? What's his name?"

"Kuya naman." I whined and faced him. "Hindi ko sinabi kasi wala namang kasiguraduhan 'yon."

Kumunot ang kanyang noo. "Anong walang kasiguraduhan?"

The Virgin Lies (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon