Chapter 27

134K 2.5K 279
                                    

Pasensya na at medyo natagalan. May binura at dinagdag kasi ako pero ito na.

Ang haba nito grabe. Ahaha. Hindi ako naghanap ng mga maling grammar at spelling kaya pasensya na.

Enjoy reading.

.•*•.




Kakagising ko lang pero parang pagod parin ang aking katawan. The events from yesterday with Dylan and the activity with Theo after that really drained me. Parang gusto ko pang matulog pero may trabaho pa ko.

We again needed to conduct the interview. Mas lalong bumagsak ang pakiramdam ko dahil do'n. The thought of seeing Dylan again made me wanna quit the job I put myself into.

Papunta na ko ng banyo habang sinusuklay ng mga daliri ang aking magulong buhok nang tumunog ang phone ko sa istante. Going back, I picked it up and saw an unregistered number ringing for a video call.

After a quick thought, I swiped to the right and the screen opened. Nag-black screen ito saglit bago ko nakita si Amy.

"Ms. Navarro..." Panimula nito. "Kailangan namin ang draft ng interview kahapon. Hindi ba nasa 'yo 'yon?"

She was behind the table with lots of papers scattered on it. Halatang nakasandal ang kanyang cellphone sa kung ano para maitayo. Sa tono at itsura niya ay halatang nagmamadali ito. Ni hindi niya nga magawang tumingin sa'kin ng matagal dahil tutok siya sa mga papeles sa kanyang harap.

"Opo. Ako ang may hawak ng soft copy. Kailangan niyo na po ba 'to ngayon o mamaya na kapag nagkita tayo sa venue?"

"Right now, please." She answered, a little bit distracted.

My groggy state suddenly disappeared when I saw Dylan entered the view. Umupo siya sa sofa na inuupuan din ni Amy.

"Dylan, check this file." She said handling him a paper. "Mga listahan yan ng invited sa birthday party mo. Let me know if you want someone added or removed."

Kinuha ito ni Dylan at binasa. Ako naman ay naglakad na palapit sa study table ko na nasa gilid lamang ng aking kama at binuksan ang laptop.

I placed my phone carefully so they could still see me. Hindi ko kasi alam kung dapat ko nang ibaba dahil wala namang sinasabi si Amy. Kung ibaba ko 'to agad, she may think it's disrespectful. Nang mabuksan ko na ang laptop ko ay sinilip ko ang dalawa.

Nagsasalita si Amy pero halatang hindi nakikinig si Dylan.

"Ahmmm... Amy..." Pagtansyang tawag ko. Kapwa silang napatingin sa'kin.

"Ay, sorry, Ms. Navarro. I forgot. Here's my email add." She said her details after. Sa kanya lamang ako nakatingin dahil ayokong kahit konti ay dumapo ang aking paningin sa kasama nito.

The feeling of being uncomfortable the sign that he's looking at me intently. It's like there's something pulling me to look at him. I held my ground and avoided it, pretending he's not there.

"Pakisabihan lang ako kapag na-send mo na. I'll just get my laptop." Knowing that he's alone watching me, I turned my attention to the task at hand.

Kakasend ko lang nang mapa-angat ako ng tingin dahil biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad akong tumayo para silipin si Kuya Randell sa labas tapos naalala ko na nasa outing pala siya kasama ang kanyang mga kaibigan kaya agad akong kumalma.

I looked back and saw Theo lying on his stomach on my bed.

"Psst! Pa'no ka nakapasok?" Tumayo ako sa gilid niya at humalukikip. He turned his head to me and glared at my shirt. 

The Virgin Lies (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon