Chapter 34

116K 2.4K 171
                                    

Magla-lunch break na pero isang chapter pa lang ang nagagawa ko. Pina-print out ko na nga ung limang chapter at hawak ko na ang pulang market para mas madaling mag-revise at mag-edit pero wala pa ring pumapasok sa utak ko.

Laman parin nito ang pag-uusap namin ni Dylan.

'Let me think about it.'

'Yan ang sinagot ko sa kanya pero ang reaksyon niya parang um-oo ako.

'Should we seal this with a kiss?'

I couldn't help myself but to blush thinking about his last sentence that night. This was my exact reaction to him. Kinabahan talaga ako do'n. Hindi ko alam kung seryoso ba siya nang sinabi niya 'yon pero salamat na lamang at lumabas si kuya. Humiwalay ako agad.

I wanted to take things slow. Ayokong magkamali kagaya no'n. Sobrang layo ng sinagot ko sa oo. Pero bahala na! Maliwanag naman ang sagot ko eh.

"Iara, may delivery sa labas. Sa'yo daw nakapangalan." Bigla akong natauhan mula sa pag-iisip habang kagat kagat ang dulo ng marker nang tawagin ako ng isa sa mga guards.

"Sa'kin?" Kunot noo kong tanong. "Ano daw?"

"Ewan ko. Puntahan mo nalang sa reception. Tinawag lang nila sa'kin." He left after.

Ako naman ay kinuha lang aking pitaka at umalis. I kept on thinking what kind of delivery was that. Wala naman akong in-order online. Sino kayang nagpa-deliver?

I was still wondering with when I got there. Hanggang napirmahan ko ang dapat pirmahan at hirap na hirap na inakyat ang lahat.

"Wow, Iara. Ang dami!"

"May flowers pa! Bongga, girl? May manliligaw. Grabe ang sweet!"

"Haba ng hair."

Kanina pa nila tinatanong kung kanino galing. Kanina ko parin sinasabi na di ko alam pero ang kukulit ng mga kasamahan ko.

Someone sent me foods and a bunch of flowers. Pang apatang tao ata 'to kaya nag-share na kami nila Ramona at Camille. Saktong sakto kasi sa lunch break namin.

Nang mag-CR ako ay binasa ko muli ang card na nakalagay do'n.

Hope your love for pasta didn't change. The roses reminds me of your beauty so I have them delivered to you.

Tinago ko ito kanina para di nila makita. I pulled out my phone from my pants and texted that guy.

Para sa'n ang pina-deliver mo kanina?

It's for you. Don't you like it?

Ano ka ba, Dylan? Hindi ka dapat nagpapadala ng gano'n dito.

Hindi ako nakatanggap ng reply kaagad kaya umihi na ko't lumabas. Sakto naman na pagbalik sa station ko ay natanggap ko ang kanyang reply.

I know Theo's not there so I thought it's okay.

Gulat at pagtataka ang naramdaman ko. Ano naman kung andito si Theo. Then I realized that he didn't know that Theo and I already broke up. He's still in the impression of us together and him being in my shadow.

Should I explain things to him?

Maybe I should keep that information this time. Sa pagkakakilala ko kay Dylan, walang makakapigil sa kanya kapag may nagustuhan. Akala niya kami pa ni Theo at yun ang dahilan kung bakit hindi siya gano'ng makakilos pagdating sa'kin. It will keep him suppress for the meantime.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa coffee shop. Since I wasn't able to finish my daily task, I tried finishing it there so I wouldn't have any backlogs this week.

The Virgin Lies (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon